Tahimik

5 1 0
                                    

Nagiisa - sa boyahe
Pauwi sa tahanang munti,
Iniisip kung anong putahe
Ang ihahain ni Nanay ngayon gabe

Walang makausap sa daan
Tila nilalamon ng karimlan
Ang aking pagiisip
Tahimik na tahimik

Sa daang araw-araw na tinatahak
Walang gabing hindi naririnig
Ang mga paniking tila umiiyak
At walang sawang awit ng mga kuliglig

Nag-iisip at nangangara
At tila nasa alapaap
Habang humihihip ang malamig
Na hangin
At sumusulyap sa mga bituin

Hanggang sa pagtulog nagiisip
Bakit bibig ay walang imik
Marahil ganito ang magisa
Tahimik.

- C.A.S.E

the spires and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon