Ayokong umiyak sa pagkawala mo
pero maiiwasan ba yun?
Ayoko ipakita na apektado ako
kasi alam kong hindi nila ako tanggap para sayo
Tinago natin ang ating relasyon
dahil ayaw sakin ng pamilya mo
naging masaya naman tayo
pero hindi ko inaasahan na iiwan mo ko
Hindi mo ko ipinagpalit sa iba
kahit kailan hindi mo naisip na gawin yun aking sinta
dahil pinangako mo na ako lang
masaya ako kasi natupad mo aking sinta
Hindi mo nga ako nagawang lokohin
pero bakit bigla kang nagpaalam sakin?
parang kahapon lang katabi pa kita
ngayon sa iba ka na nakahiga
Gusto kong bumalik ka
pero alam kong hindi ko yun magagawa
kinuha ka na NIYA
wala na akong magagawa pa
Hinihiling ko na lang
na sana nakikita mo ako dyan
sana bantayan mo ako dyan sa itaas
wag kang mag alala mahal ko
magkikita din tayo....
BINABASA MO ANG
Ang Sarap Umasa,Lasang tanga
RandomPara sa mga umaasa to. promise yung ibang poem dyan makakarelate ka.