Poem 113

61 2 0
                                    


Sinong mag aakala na ikaw ang mamahalin ko?

lagi lang naman kita nakikita tuwing pumapasok ako sa shop nyo,

napaka seryoso ng mukha mo,

inakala ko pa na masungit ka noong mga panahon na yun


Kinausap mo ako ng isang beses

hindi ko matandaan kung ikaw ba'y naka puti

basta ang alam ko lang kung gaano kaganda ang iyong mga ngiti

na hindi ko na mabura sa aking isip


Hindi ko pa alam pangalan mo noon

pinipilit ko alamin pero hindi ko alam kung paano

mas nauna ko pa naging kaibigan ang mga kaibigan mo

pero salamat sakanila dahil nalaman ko ang pangalan mo


Ang mahirap nga lang sa sitwasyon natin ngayon

mukhang hindi mo parin napapansin ang isang tulad ko

hanggang sa unti unti nang nagbabago

mas lalo kang napapalayo .....


Ang Sarap Umasa,Lasang tangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon