Dati nakikita mo akong ngumingiti
para makita mong masaya na akong muli,
pero hindi mo ba napapansin? masakit parin para sakin
dahil agad na tinapos mo ang pagmamahalan natin
Ngayon makikita mo akong nakangiti
hindi dahil sayo o hindi para sayo
nakangiti ako
kasi matagal na kitang pinalaya mahal ko
Natuto na akong maging masaya ng wala ka
natuto na akong maging masaya kahit ako lang mag isa
napagtanto ko na hindi ko pala kailangan ang iba para sumaya
dahil pagmamahal ko lang sa sarili ko ay sapat na
Makikita mo akong nakangiti
kasama ang mga taong dumamay sakin
kasi sila yung mga tunay na taong nagmamahal sakin
at mamahalin ko din sila katulad ng pagmamahal nila sakin
Dati akala ko mundo kita
na sayo lang dapat umikot ang araw ko aking sinta
pero ngayon alam ko na
masyadong malawak ang mundo para umikot sa isang taong walang kwenta
BINABASA MO ANG
Ang Sarap Umasa,Lasang tanga
RandomPara sa mga umaasa to. promise yung ibang poem dyan makakarelate ka.