Chapter 4

264 7 0
                                    

Chapter 4

Papunta na ko ngayon sa Mcdo. Dumaan muna ako sa Office ni Mr.Roxas para humingi ng pera.

Ano ibabayad ko don? Kuto ko sa buhok? Mag paparape ako para magka pera? Kahit ata langgam lalayuan ako eh.

And guess what. May isang lalaki akong sinusundan ngayon. Nag lalakad lang kasi ako medyo malapit lang sa school namin yung Mcdo.

Ang cute cute niya kasi.

Naka black na pants , wearing White V-Neck shirt , Plus Vans na shoes and Ray-ban na Shade.

He's really Cute and totally HOT. Ugh! Medyo umiinit nga oh kahit hapon na.

*Iingatan ka... Aalagaan ka.. Aking ina'y ikaw ang nag bigay ng buhay kohoo*

"Ay may tumatawag" 

Sabi ko ng mahina kasi baka marinig ako ni Cutie Babe. Naks! Naka babe agad. Haha.

Jusko! Ano nanaman kayang problema nitong JC na to!?

"Hello?!!" galit na sabi ko pero mahina lang.

"Ano nanaman!?"

"Nasan ka na ba!? Bakit ang tagal mo? Nagugutom na ko."

Hay nako! Siya kaya bumili. Masyadong mainipin.

"Papunta na ko. Mamaya ka na nga tumawag--- aray!"

Homaygulaaay!

Nabunggo ko si Cutie Babe. At naka tingin siya sakin.

Lagot na. Tinakpan ko yung Phone ko para hindi marinig ni JC.

"Are you stalking me?"

Ha!? Stalking him? Agad agad?

Oo. Haha! Joke lang. Siyempre hindi ko sinabi.

"Ha--ha? Hindi ah. Bakit naman kita i-istalk?"

Tapos bigla siyang ngumiti ng ganto --> ^____^

"Wala. Hehe."

Ay palakingkong. Ang cute cute niya talaga. Nag lilihi ba ko?

"By the way. I'm YC Schee."

(YC SCHEE At the Multimedia)

Eh? Schee? Scheche? Haha! Katawa. Mukha akong tanga.

"Ako nga pala si Jema. Jem nalang."

At nag shake hands kami.

Taray ha!? Lakas ng kamandag ko. AKO NA ANG MAGANDA! Chos.

Ang bango ng kamay. Inamoy ko kasi siya.

Ay wait. Nako si Kingkong baka magalit di ko pa napapatay yung phone ko.

"Wait."

Nilagay ko na ulit sa teng ko yung phone at kinausap siya.

"HOOOY! Ano ba!?"

"HELLO!? Jc? Hello!!? Choppy! Chubby! Ay Croby!-- hello!"

"Hello White lady! Para kang tanga."

"Di kita marinig! OMAYGOSH MAY ALIEN-- ahh kinukuha ako. Tooot tooot tooot"

At pinatay ko na yon.

Tumingin ako kay YC at ngumiti.

"Hehe. Sige pupunta pa akong Mcdo babye."

Nag paalam na ko pero nag salita pa siya.

"I'm actually heading there. Sabay ba tayo."

My Guardian BOYFRIEND  (JaEron) i.ƒ.mTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon