Chapter 5

241 4 2
                                    

Hindi ako makatulog kasi ayaw akong patulugin ni Enrique Gil eh! Haha. Kaya eto Update nalang.

Chapter 5

"Goodmorning Tiya."

Sabi mo habang pababa sa hagdan.

"Ah Hija. Jema. Pwede ba tayong mag usap saglit?"

Umupo ako para makapag usap kami.

"Padating na kasi ang Tiyo mo. Kapatid ko. Yung kwarto niya kasi ang ginagamit mo ngayon. Wala ka pa bang nahahanap na malilipatan?"

Haaaay! Oo nga pala. Kailangan ko ng lumipat.

"Ay ganon po ba? Osige po. Wala pa po kasi akong makitang mura mura , saka di pa po ako nakaka sweldo. Pero sige po hahanap po ako ngayong mag hapon."

"Pasensya ka na ha?"

"Nako tiya hindi po. Ok lang. Sige po mauna na ako para makapag hanap na ng apartment."

Nag paalam na ako at kinuha na agad yung bag ko.

Nag txt ako kay Mr.Roxas na hindi ako makaka pasok ngayon kasi kailangan kong mag hanap ng Apartment na matitirhan.

"Haaay! Pano ba to? Saan naman kaya ako hahanap ng apartment? Ang init init pa. AYAW KASI IPA AIR-CONDITIONED buong pilipinas!"

"As if namang pwede diba?!"

Halaaa!? Sino yon?! May multo?! Lumingon ako sa likod ko at tama nga. MAY MULTO SA LIKOD KO.

"Oh ano?! Anong ginagawa mo dito?"

Pag mamataray ko sa kanya.

"Wag mo kong tarayan kasi una sa lahat hindi ka naman maganda."

Aba!? Maganda lang ba pwedeng mag taray!? Bwisit na ito.

"at pangalawa , nandito ako kasi inutos sakin ni Papa na mag sorry daw ako sayo. At bilang kapalit nung pag sasabi ko sayo ng masama kagabi (kahit totoo naman)"

Bigla siyang bumulong.

"Ano yon!?"

"Wala wala. Sabi ko sasamahan kita mag hanap ng apartment."

Weh!? Napa urong yung ulo ko kasi hindi ako naniniwalang gagawin niyo yon.

"TOTOO!?"

"Oo! Ayaw mo?! Sige bye."

Aalis na diya pero napigilan ko agad.

"Hep hep hep! San ka pupunta?"

Hila ko sa polo niya. Naka Uniform kasi siya ngayon.

"Aalis na. Ayaw mo kong kasama diba?"

"Hindi hindi. Di lang ako makapaniwala na sasamahan mo ko."

"Ayaw mo ba non? May gwapong sumasama sa isang PANGIT na katulad mo?"

"EWAN KO SAYO! Tara na nga."

Nakuha pa niyang manlait.

Nag lakad lakad lang kami na kung saan saan na kami napadpad.

Hanap dito , tanong doon.

May isang apartment na , nagustuhan ko pero masyadong mahal kaya humahanap pa kami ulit.

"Pagod na ko!"

Umupo muna ako isang malaking bato.

"Tumato ka nga diyan. Baka kabagan ka."

Nagulat ako sa sinabi niya. Concerned ba siya?

"Ano sabi mo?"

Nakatayo siya at nakatingin sa may mga taong tumatawid papuntang Roxas Mall.

My Guardian BOYFRIEND  (JaEron) i.ƒ.mTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon