My Guardian BOYFRIEND
PROLOGUE
Pag mamahal. Common naman yan eh. Common sa mga taong gustong maranasan ang kaligayahan.
Walang taong hindi hinangad yan.
Mag papakamatay para sa pagibig.
Gagawing meserable ang buhay.
Mag susuicide.
Mag lalasing. Mag wawala. Kung minsan makikipag Landian pa sa iba.
Hihiwalay sa mga magulang at susuwayin ang mga ito , para sa sinasabi nilang TRUE LOVE at FOREVER.
Pero ano? Sa Huli? Mag sisisi.
Sa Huli? BUNTIS.
Sa Huli? Iiwanan ng taong pinag laban niya sa Pamilya niya at sinabi niyang FOREVER at TRUE LOVE.
Pero sa kabila ng lahat ng pag subok na pinag dadaanan niyo , at magkasama pa din kayong dalawang hinaharap ang mga pag subok na patuloy na dumarating , masasabi mo na bang
TRUE LOVE at FOREVER yan?
(Taray ng Prologue , very serious huh! Author. -- JOKE! Sige tuloy mo na.)
**
"Bata? Are you crying?"
The Little Girl just nod.
"So why are you crying?"
"My candy. Yung candy ko nalaglag."
"Wag ka ng umiyak ok? We'll buy nalang ha?"
Sinama ng batang lalaki ang batang babae sa isang bilihan ng Candy.
"Eto oh. Ayan ha? Malaki pa yan."
"Thank you."
"You're welcome. Sabi kasi ng Mommy ko , dapat daw ginagalang ang mga babae."
"Talaga?"
Sabay dila ng bata sa hawak hawak niyang Candy.
"Oo."
Nag punta ang dalawa sa sa Parke na kung saan nag laro lang sila ng nag laro.
Lumipas ang mga oras , hindi nila napapansin na nag didilim na pala.
"Pano ba yan? Baka hinahanap na ako ni Mommy."
"Ay? Ano ba yan. Gusto ko pa sanang mag laro. Pero salamat sa Candy."
"Walang anoman."
Lumuhod ang batang lalaki sa harap ng batang babae.
"Will you marry me?"
Nagulat ang batang babae.
Kumuha ng isang sinulid ang batang lalaki at itinali sa daliri ng batang babae.
"Pag laki natin mag papakasal tayo ha?"
Sabi ng batang lalaki sa batang babae.
"Oo mag papakasal tayo."
"Pangako yan ha?"
"Pangako."
Hinalikan ng batang lalaki ang batang babae sa pisngi.
Nag paalamanan na ang dalawa sa isa't isa.
**
"JEMAAAA!"
Ay palakang may kabayo sa likod-- ay ano ba yan.
Ang sakit sakit pa ng mata ko.
"Nay bakit po?" Sabi ko habang kinukusot kusot pa ang mga mata ko.