Chapter 9
Ako nga pala si Rich Velandez. I'm 19years old.
Dati kong Boyfriend si YC, at ngayon ay EX ko na nga siya.
Naalala ko pa noong sobrang sweet naming dalawa.
Lagi niya kong hinahatid sa bahay after Class. Minsan dumadaan kami sa mall when I need to buy some things na kailangan ko.
Hindi siya naiinip pag nagsho-shopping ako ng mga Clothes ko. Minsan nga siya pa ang nag babayad nung mga yon.
I'm not using him. Sa pangalan ko palang alam niyo na. Anyway.
Ito na yung araw na kinakatakutan kong mangyari.
December 21 2011. 11 : 59 PM
"Nasan ka na Dah? Ang lamig lamig dito oh."
Kausap ngayon sa phone si YC kasi may sasabihin daw siya saking mahalaga.
"I'm sorry. Magpa-park na ko."
Nandito ako ngayon sa Starbucks. Sa may labas lang naman ako , super late na nga tumawag pa siya sakin kasi kailangan na daw niya talagang sabihin sakin yung sasabihin niya.
"Yuh! I saw your car na."
Tumayo na ko para salubungin siya.
"Hi Dah."
Hinihintay ko yung kiss na usually ginagawa niya pag nag kikita kami , pero nag tuloy tuloy lang siya sa pag lalakad papunta sa inuupuan ko kanina.
Sinundan ko nalang siya at naupo na din.
"So bakit ka nga pala nakipag kita ngayon sakin? 12 na oh."
"May importante akong sasabihin."
Bigla akong kinabahan nung sa bibig na mismo niya nanggaling yung mga salitang yon.
Hindi ko pinansin yung kaba ko at nagpatuloy sa pag tatanong."
"So ano nga yon?"
Tano ko sa kanya.
**
"Oh tapos? Ano na? Ano na sabi?"
Pangungulit sakin ni Jema.
"Teka. Excited ka teh?"
"Hehe! Sorry naman. Okay game! Ituloy mo na."
Nag uusap kami ngayon ni Jema dito sa may Field. Inaya ko kasi siya , gusto niya kasing malaman yung sa nakaraan naming dalawa ni YC.
**
12 : 07 AM
"Rich. I--I'm sorry."
"Why? W--why are you saying sorry? Is there any problem?"
Kinakabahan ako. Ano ba naman ito! Daig ko pa nasa PBB , elimination night ang drama. Jusme!
"A--I'm breaking up with you."
O.O
"O--oh come'on dah! Tell me that you're just kidding."
Natatawang sabi ko sabay inom ng inorder kong Macchiato , medyo malamig kasi kaya umorder na ko.
"No Rich. I'm not kidding. Matagal ko ng gustong sabihin sayo , but Di ako maka singit kasi busy ka."
This past few days kasi naging busy ako sa School Projects at Finals na din kasi namin.
Well anyway nasan na nga ba--- ANOOO!!? Is he serious!?
"Tell me YC. Why are you breaking up with me?"