Chapter 8

203 5 0
                                    

Taray ng Kwentong Ipis hano? Hahahaha! Natawa ko nung binasa ko. Lol.

Pero eto! SORRY TALAGA! Super late update. Daming Projects sa School and Finals na din kasi -,-" Bawi ako sa Next update.

Chapter 8

August na , Buwan ng Wika ang ice-celebrate ng school.

Yup! Para kaming Highschool. May Highschool kasi ang RU kaya naman kasama daw ang mga Students sa College na mag ce-celebrate.

May iba't ibang mga contest ang kailangan mong salihan. Dahil kung hindi ka sasali , babagsak ka.

Kasama naman sa trabaho ko ang sumali sa contest dahil mahahalata nila na nag papanggap lang ako.

"So ano naman ang sasalihan mo?"

Akbay sakin ni Sam. Nag iisip kasi kami ng sasalihan namin.

Magaling siya sa pag de-declamation at saka sa Talumputing Di-handa , kaya naman dun daw siya sasali.

"Di ko alam eh. Noong Highschool kasi ako , sa pagkanta ako nahilig. Pero baka basag na boses ko ngayon. Hehe."

"Really?!"

OA much? Haha.

"Oo."

"OMG! Sample naman jan Jem. Please? Pretty please?"

Nag papacute pa ang lola mes.

"Ayoko. Nakakahiya. Saka ang daming tao dito sa Gym. Mamaya mapagalitan pa tayo ni Coach."

Actually PE time namin ngayon. Basketball ang lesson namin ngayon.

Nag hihintay lang kami ng turn naming girls. Kasi boys muna daw.

Nag laban laban ang Boys ng klase namin. And guess what? Ang galing ni JC mag basketball.

Siya na ata ang pinaka magaling mag basketball sa buong University.

Balita ko kasi , hindi niya ginagamit ang pagka Roxas niya pag dating sa Basketball. Bukod daw sa hilig niya ang pag babasketball , eh noong nabubuhay pa ang Mama nila , lagi daw siyang pinapanuod nito.

Kaya simula noong nawala ang Mama nila , sinikap na daw niyang maging pinaka magaling na basketball player sa buong University.

"Okay Girls! Turn niyo na."

Magka Grupo na kami ni Sama at ang tatlo pa naming mga kaklase.

Lumingon ako kay JC at napatalikod din naman agad dahil saktong nag huhubad siya.

Yung mga babae naman sa buong gym eh nag sigawan noong nag hubad si JC. -,-" Mga FanGirls talaga nitong si JC jusko!

Nag umpisa na yung warm up ng dalawang grupo.

Nakaka tatlong shoot na ko ng walang kahirap hirap. Sport ko kasi ito noong College pa ko. Muntik kaya akong ma Varsity. Haha.

May Varsity ng Basketball sa University namin noon. Pero dahil mas kailangan ko yung Scholarship , itinigil ko yon para don.

"Ok 2 Groups let's start."

Pumwesto na kaming lahat.

Nag pares pares na kami.

Pagkahagis ni Coach ng bola dun na nag umpisa ang laro.

10 shoots sa loob ng 1minute? Hahaha! Sorry di nila ko matatalo pag dating dito.

Inis na inis naman yung mga maarte kong kaklase sakin.

"Hay nako! Bakla ata to eh. Nag papanggap lang na babae."

My Guardian BOYFRIEND  (JaEron) i.ƒ.mTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon