Again, sana mabasa niyo din yung story ko na Decipher Squad, thank you!------------------------------------------------
Created by Krizia Jan Cuevas (gives credits please)
(Yuyuko na may paggalang habang nakahawak sa palda at ang pamaypay ay nakatakip sa kalahati ng mukha)
"Ako si Maria Clara, ang nagiisang anak ni Kapitan Tiyago na siyang kilala ng marami dahil sa kayamanang taglay nito. Kasintahan ko si G. Crisostomo Ibarra. Si Ibarra na may malasakit sa bayan ngunit napagbintangan naman sa kasalanang hindi niya ginawa.
Oh Crisostomo Ibarra, mahal ko, labis akong natatakot at nababahala para saiyo. Lalo na nang maging ekskomunikado ka. Labis akong nalungkot mahal, hindi mapakali kakaisip sa kung ano ba ang maaaring mangyari saiyo. Nagdulot ito ng panghihina ng aking pangangatawan--kaya nagkasakit ako. Sa aking pamamahinga'y walang tigil ako sa pagsambit ng pangalan ng aking inang hindi ko man lang nakilala. Mas lalong nadaragdagan ang lungkot ko, dala ng pangungulila sa ina at pati na rin saiyo.
Unti-unti, gumaling din ako. Napawi na din ng bahagya ang lungkot ko na malamang hindi ka na ekskomunikado! (magiliw) Akala ko ay maayos na ang lahat, akala ko'y sasaya na muli ako dahil makakasama na muli kita.
Ngunit ano ito? Sino iyang PANGIT NA BINATA (de joke) Sino iyang bagong mukha ng binata ang nakikita ko? (Titingin kunyari kay imaginary Linares)
Linares? Ang ngalan mo'y Alfonso Linares De Espadana? At ano ito? Ano itong nababalitaan ko?! Nais akong ipakasal saiyo? Saiyo na hindi ko naman mahal? H-hindi maari, si Crisostomo lang ang mahal ko. Wala ako balak magpakasal sa kahit kanino kung hindi naman si Ibarra ito.
Doon mas gumulo ng gumulo, unti-unti nang nagugunaw ang mundo ko. Lalo na nang ikay makulong at tuloy na tuloy na nga ang pagpapakasal ko kay Linares (malulungkot), sumabay pa ang katotohanang ama ko pala si Padre Damaso na siyang gumahasa sa aking kawawang ina. Ibarra, intindihin mo sana ang dahilan ko sa pakikipag-isang dibdib sakanya, para rin ito sa ikabubuti mo at bilang paggalang ko sa ina ko. (malungkot)
Akala ko'y sira na talaga ang mundo ko. Ngunit hindi ko alam na may mas malala pa palang pangyayari ang nakaabang. Ano ito? (maiiyak) Patay na ang mahal ko? B-bakit? Paano? (mapaluluhod at iiyak)
Bali wala rin pala ang pagpapakasal ko kung wala ka na. Ayoko nang magpakasal! Mas gugustuhin ko nalang mamatay kung wala na rin pala siya. (mapapatayo at kunyari dadaan si Padre Damaso)
***Ama! Pagbigyan mo sana ako, mas nanaisin ko pang pumasok sa kumbento at maging madre, pakiusap. Pahintulutan mo ako, dahil kung hindi, magpapakamatay ako. Mas gugustuhin kong mamatay!
(lalakad ng malungkot at mahinahon)
Hindi kita malilimot mahal ko, siguro nga mananatili ka nalang ala-ala saakin... Mga ala-ala.... (iikot at ito'y flashback)"
***"Mahal, sigurado ka bang sa pananatili mo sa europa ay wala kang nakitang babaeng mas hihigit pa saakin?
(kunyari may kausap tas ngingiti)
"Ganun din ako, hindi kita nalimot ni minsan. Akin pa ngang itinatabi ang sulat na ibinigay mo bago ka umalis. Ikaw parin at ikaw lang ang mamahalin ko Ibarra. Ikaw lang. "
(iikot muli at kasalukuyan na ito)
Paalam mahal ko (yuyuko) AKO SI MARIA CLARA... SIMBOLO NG DALAGANG PILIPINA, LARAWAN NI LEONOR RIVERA NA PINAGKASUNDO SA LALAKING HINDI NAMAN NIYA MAHAL. (BOW WOW WOW)
-----------------
A/N: This is for my project, self made. Pinublish ko para kung may kailangan, maari niyong gamitin as idea source, but then again, please don't copy, or at least give credits to me :)
BTW, I might as well promote my other stories.
'DECIPHER SQUAD' by TaengooK_K
-Novel
-Mystery/Thriller
'TAGPUAN' by TaengooK_K
-Fantasy
-Short StoryPara sa mga nagtatanong, hindi po exact lines ni Maria Clara ang mga lines na nandito. Hindi ko po kasi binasa yung whole nobela, puro buod lang at binase ko yung monolouge na 'to sa Noli Me Tangere animation nanpinanood saamin sa school. Sa animation na yun ay may mga lines talaga, di ko nga lang alam kung galing talaga yun directly sa whole novel.
Pero para guide na din, yung mga lines na may *** ay yung mga lines na nasa nakuha ko sa animation na napanood ko.
^__^ Yun lang, sana nakatulong, pero mas maganda kung sa buong nobela nalang kayo mag-base para legit na legit talaga. Pero pwede naman atang hindi na dahil di naman malalaman ng teacher niyo yan hehe. ^__^
Thanksssss!!
BINABASA MO ANG
NOLI ME TANGERE (MARIA CLARA MONOLOGUE)
Teen FictionMARIA CLARA MONOLOGUE Wala po akong kinokopya dito--self made po. Pwede niyo pong gayahin or kopyahin for educational purposes, sana makatulong sainyo... lalo na sa mga grade 9 diyan. ^__^ ----------------- *Spoiler Alert