/3\ Rude

23 4 0
                                        

<RUDE>


Cath's POV

Narating namin ang marcus park ng ilang minuto lang. Alas-kwatro palang ng hapon kaya't marami-rami pang mga namamasyal sa lugar. Buti nalang nakasalamin ako kaya't di masyadong pansin ang mugto ng mga mata ko. Mahirap ding umiyak ng totoo. Iba kasi pag arte lang.
Ipinarada ni kuya Tope ang sasakyan sa parking area at lumabas na kami ng sasakyan. Medyo nakakakaba dahil baka may makakilala sakin pero buti nalang at wala. Effective din pala ang pagbabago ko ng physical feature.

   "Ate, naiihi ako."  Si Ashly na nakakuyom na ang mga palad. Ihing-ihi na nga talaga siya. Napangiti ako sa ekspresyon ng mukha niya. Isang taon lang ang gap namin pero mukha parin siyang isip-bata.

   "Do you want me to go with you?"

   "Hindi na. Diyan lang naman ang public C.R. Sige 'te."  Pagkasabi'y agad siyang tumakbo. Naiwan naman kami ni Kuya Tope.

  "Ma'am, may gusto lang po sana akong bilhin diyan lang sa tiyange. Pwede po ba?"

  "Oo, naman. Okay lang kuya." Nginitian ko siya at saka na siya umalis. Mag-isa nalang ako ngayon kaya't nilibot ko muna ang paningin ko. Ang daming tao. Nagkakalat. Nakakahilo. Naalala ko nanaman siya. Si ate Jamie.
Ang lugar na ito ang madalas naming pasyalan. Nakakamiss lang kasi.
  "Hay naku! Iiyak ka nanaman niyan Cath. Tumigil ka nga. Maglalakad-lakad na muna ako."

Nagsimula na akong maglibot. Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya't bumili ako ng bottled tea sa isang malapit na tindahan.

   "Ang tagal ni Ashly. Nag-eenjoy na siguro yun sa mga tanawin."
Bulong ko sa sarili ko. Madami kasing nagkakalat na mga hunk. Well, not my type.
Nililibot ko ang paningin ko nang may makabanggaan ako. Pero anak naman ng tokwa, hindi manlang nagsorry yung lalaki at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.

  "Jeez! How gentle that boor is."  Napapamura na ako. Buti walang nakarinig, at yung bastos na bakulaw na ipinaglihi sa asong mabaho ang utot, nakaheadset. Takte. Mabunggo ka sana ng truck.

Nagpatuloy nalang ako sa paglilibot.
Nakakagutom. Ang dami kasing foodcart. May nakita akong nagtitinda ng fishball. Oyeah! Namiss ko'to. Lalapit na sana ako sa nagtitinda ng may biglang humila sa kamay ko.

   "Jusmiyo, Courtney. Anong ginagawa mo diyan? We're starting."
Sabi ng isang bakla na may suot na balabal at kung anu-ano pang mga borloloy. Hinila niya ako papunta sa lugar na pinag-uumpukan ng mga tao. Anong problema nito? Isa pa, Catherine ang pangalan ko not Courtney.

  "Sorry but I'm not Co---"

  "Excuse me. Excuse me."
Nakipagsiksikan kami sa mga taong nandun at dinadala ako ng baklang to sa loob ng isang malaking bilog kung saan may mga camera'ng nakapalibot. Pinadaan naman kami ng mga tao at nakarating sa gitna. What the hell is happening?

  "There you are."  Sabi naman ng isang babae na medyo may edad na at nakatingin sakin. Nakakunot pa ang noo nito.  "What took you so long? Let's start."  Sigaw niya sa iba pang mga taong nandun at dinala ako ng bakla kanina sa gitna kung saan may isang malaking fountain at parang flower field ang gilid nito sa nag-ga-gandahang mga bulaklak.
Pinagtitinginan ako ng mga tao. Piklat! Nasaan ba ako.

  "Pardon, but my name isn't Courtney. I'm Ca---"

  "Light's.. camera.. action!"

  "Sandali. Hindi nga kasi ako si Court---"  Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, isang maiinit na kamay na ang humaplos sa pisnge ko at nagulantang na lang ako nang isang lalaking may higit na tangkad sakin, nakasuot ng leather jacket, nakataas ang itim nitong mga buhok, maputi, guwapo, at... SHIT!!!

Behind The ScriptWhere stories live. Discover now