<ROOM-8>
Dumating ako sa bahay na nakabusangot habang walang ganang naglalakad papalapit sa isang upuan sa salas. Tinignan lang ako nina Ashly at manang na parehong nagtatanong ang mga mata. Lumapit ang mga ito sakin samantalang makailang beses na akong bumubuntong-hininga.
"Ate. What happened to you? You looked like a Mess." In-emphasized pa niya ang salitang 'Mess'. Im here sa bahay namin dahil dito ako dinala ng motor ko. Its late narin ng gabi kayat nagtataka sila Ashly kung bakit ngayon lang ako umuwi at dito pa ako umuwi samantalang may inuupahan na akong bahay.
"Hija, ano bang nangyari?" --Manang
"Nasubsob ka ba sa putikan? Ang dumi ng damit mo." --Ashly
Anong nangyari?
"Hell.....😩" -- Me
Flashback
Tinulak ako ng isang hindi tao kundi gorilla sa sahig kaya ako nasubsob. Ugh! Ang yabang! Ang luwag ng daan ako pa talaga ang binunggo. Hindi manlang ako tinulungan at nagdire-diretso lang. Nakita ko ang ilang classmate kong flirts (take note the word) na palihim na nagtawanan habang nagbulungan.
"Haharang-harang kasi. Yan tuloy lumangoy. Hahaha!"
"Kala naman niya papansinin siya ni Zywen. Ang panget kaya niya."
"She's just a commoner, a nobody. Who she thinks she is."
"Duh! She's just one of the nerds here in school. Hayaan niyo na yan. We're just wasting our time."
Tsk! Ang yayabang. Amoy imbornal naman ang mga ugali. So what if I'm a nerd. I'm still prettier than the four of you. Tumayo ako at pinagpag ang aking palda. Tinignan ko ng seryoso yung apat. Taas-kilay lang ang mga ito. Huh! Ngumiti ako sa kanila at umirap. Hindi ko naman ikagaganda kung papansinin ko pa sila. I glimpsed at the rascal and he was starring back at me with a very bored look. I flipped my hair at itinaas ang ubod kong gandang mga kilay. Kala niya titilian ko siya. Ano ako ambulansya? Umupo na ako sa bakanteng pwesto sa gilid ng bintana.
"Bakit ba kasi last section."
Dumungaw ako sa labas ng glass window at isang magandang view ang nakita ko. Refreshing sa pakiramdam yung isang mataas na puno na kamukha ng cherry blossoms ang mga bulaklak at ang presko pa ng hangin na nagmumula sa labas. Hindi rin mainit ang sikat ng araw dahil sa nakaharang na malaking sanga ng puno. Pati mga dahon nito sumasayaw sa hangin. Pagtingin ko sa baba isang malaking pond ang nakita ko na meron pang fountain sa gitna. Ang ganda naman. Private talaga ang school nato.
"Wow.. Ang ganda talaga."
Sana ganyan din kaganda ang mga ugali ng mga tao dito. Nakakawala ng stress.
![](https://img.wattpad.com/cover/102796495-288-k172986.jpg)
YOU ARE READING
Behind The Script
Novela JuvenilLights Camera Action! Everything in this world is inconsistent. Every minute of its twirl, multifold things are changing. But, humans keep insisting in prolonging the uncertain. She is Cath, a girl who dont believe in a happy ending. A girl who...