<APE>
Author's Point Of View
"Lumayas ka! Kasalanan mo kung bakit namatay si mama. Lumayas ka! Layas! Huwag na huwag ka ng babalik dito."
"Tiyang, parang-awa niyo na. Wala po akong mapupuntahan. Tiyang.."
"Wala akong pakialam! Umalis ka na! Alis na! Layas!"
"Tiyang..."
"Layas! At huwag ka ng babalik!"
Wala nang ibang nagawa pa ang binata kundi umalis nalang sa bahay na iyon kung saan itinuring niyang sariling tahanan. Doon nagkaisip, lumaki, at nakaranas magkaroon ng pamilya subalit pilit naman siyang ipinagtatabuyan ng mga ito. Siya ang sinisisi sa isang trahedyang wala naman siyang kasalanan.
Dala-dala ang kaunting mga damit na nakasilid sa isang bag at ang mumunting kupas na larawan, lumuluha siyang naglalakad sa daan na hindi niya alam kung saan ang patutunguhan."Pano na ngayon niyan, Hiro. San ka na pupunta?"
Kinuha niya ang isang panyo sa kaniyang bulsa at tinignan ang natitira niyang pera. Hindi niya maitago ang panlulumo dahil sa baon niyang limang piraso ng piso at tatlong piraso ng centavos. Paano siya mabubuhay nito tanong ng isip niya.
Sa paglalakad, may isang truck na nakaparada sa daan at dahil pagod na siya ay sumampa siya dito at nakatulog. Hindi na lang niya namalayang dinadala na siya ng sasakyang ito sa isang lugar na malayong-malayo sa kinalakihan niya.Nagising siya sa mahimbing na pagkakatulog nang makita siya ng drayber ng sasakyan na nasa likod. Pinaalis siya nito at sinabing Maynila na daw ang lugar na ito.
Bumaba siya sa sasakyan at namangha sa mga tanawing nakikita. Tulad na lamang ng mga nagtataasang gusali at sari-saring mga pasyalan na noon ay sa telebesyon lang niya nakikita.
Nagpasalamat na lamang siya sa manong at naglakad nanaman sa isang lugar na hindi pamilyar sa kaniya.
Magtatanghalian narin at nagugutom na siya.
Sa kabutihang palad mayroon siyang nakitang tirang pagkain sa isang lamesa sa labas ng isang karinderya. Gusto niya itong kunin at kainin dahil sa labis na gutom kaya lang maraming tao sa paligid. Subalit wala rin siyang nagawa kundi lapitan ito."Hayy... Nabusog narin ako kahit Papano. Pero nakakauhaw."
Sa paglilibot ng mapaghahanapan ng maiinom, napadapo ang paningin niya sa isang fountain na sa buong buhay niya ngayon lang siya nakakita ng ganun kalaki. Punum-puno ito ng tubig na malinaw at umaagos pa. Napapaligiran din ng mga naggagandahang bulaklak. Tinungo niya iyon subalit napakaraming nagsisiksikang tao kung kaya't hindi siya makalapit. Ilang sandali sa kaniyang kinatatayuan, nakita niya ang isang magandang bini-bini na lumalapit sa lugar na iyon habang hawak sa braso ng isang bakla. Nakita niya kung papaanong pumwesto ito sa gitna at nilalapitan ng isang lalaki. Pero laking gulat niya nang sampalin ng babae ang lalaking akmang hahalikan ito. Pagkatapos tumakbo ito ng napakabilis na animoy nakikipagkarera at hinabol niya."Miss, sandali lang."
"Stop following me. I'm not who you think that Courtney."
Hindi na niya ito naabutan pa pero nagbakasakali parin siyang makikita ito sa loob ng isang flower shop. Iniisip niyang baka nagtatago ito doon kaya't pumasok siya. Pero nabigo parin siya dahil isang masungit na lalaki lang ang nasa loob at wala ang babae. Nagdesisyon nalang siyang umalis .
Cath's POV
😴💤
YOU ARE READING
Behind The Script
Teen FictionLights Camera Action! Everything in this world is inconsistent. Every minute of its twirl, multifold things are changing. But, humans keep insisting in prolonging the uncertain. She is Cath, a girl who dont believe in a happy ending. A girl who...