<COY>
Kasalukuyang nakatali ang mga kamay at paa ko at natatakpan rin ng piring ang mga mata ko. Ni hindi ko alam kung nasaan ako. Ang naaalala ko lang may ilang kalalakihang dumukot sakin at isinakay ako sa isang itim na van mga ilang minuto na ang nakakalipas. Paos na ako sa kasisigaw ng tulong pero wala paring nangyayari. Kanina pa nanginginig at nanlalamig ang buo kong katawan sa sobrang takot. Wala akong naririnig na mga boses na nag-uusap di tulad kanina na puro tinig ng mga malalaking tao. Pero kahit ganun hindi parin nababawasan ang takot ko. Ilang sandali lang naramdaman ko ang unti-unting pagtatanggal ng aking piring, at bumugad sakin ang isang lalaking sa hula ko'y mas matanda sakin ng tatlong taon na may suot na itim na leather jacket at nakatayo ang kulay kape na buhok at may suot na salamin. Ang lapit pa ng mukha niya sa mukha ko.
"Hellow sweetheart. Am I too handsome to be your kidnapper?"
Ngumiti pa ito ng nakakaloko pero inirapan ko lang siya. Taas masyado ng confidence. Hindi ko ipinapakita sa kaniya ang nararamdaman kong takot. Hindi ako magpapatalo. Kailangan kong makatakas sa lugar nato pero pano? Base sa nakikita ng mga mata ko ngayon mukhang 0.1% ang posibilidad na makakatakas ako. Dinala ako ng mga lalaking ito sa isang kulong na silid na walang ibang daan kundi ang nag-iisang pintong iyon na gwardyado pa ng dalawang higanteng kalbo na may hawak pang mga baril.Seven... nine, ten...
Twelve. Sa bilang ko'y labingdalawa silang lahat na nakabantay sakin.Nilingon ko yung lalaki nang blanko ang ekspresyon ng aking itsura kahit ilang segundo nalang maiihi na ako sa takot.
"What do you want?" Straight to the point kong tanong.
Biglang sumeryoso yung mukha ng lalaki."Hand it over."
"What?"
"Huh!" Napangisi siya ng nakakatakot at saka tumitig ng mas malapit sa mukha ko. "Don't damn me miss. Just give it to me and I promise I wont harm you."
Seryoso, anong hinahanap niya sakin?
"Seriously?"
"Bullshit! Just give it to me!" Galit na siya at sumisigaw na. Muntikan pa niya akong tutukan ng baril. But I knew, hindi ko pa oras. And I knew someone will come. "Where is the pen?! Damn it!"
Ramdam ko ang pag-aalburoto niya na anytime ready na niyang ikalabit ang kaniyang baril sa ulo ko. But I'm very sure he won't do it.
"What pen?"
"GOD DAMN IT!" Sigaw ulit niya na may kasamang isang malutong na sampal. Ahh! Ang sakit ng pisnge ko. Ang lakas niyang makasampal at ang tindi pa nang hawak niya ngayon sa aking panga. "WHERE IS THE PEN?!" Umaalingawngaw sa buong silid ang kaniyang boses.
Ahh!! Sinuntok niya ako sa sikmura at ang higpit ng hawak niya sa buhok ko. Nahihilo na ako sa sakit ng tiyan ko ganun din ng ulo ko.
"You bullshit! Where is the pen?! Where did you hid it?!"
"Hey! You looki'n for this?"
Narinig ko ang isang tinig ng isa pang lalaki na naka business suit pa. Hindi ko na masyadong maaninag ang kaniyang mukha dahil sa dumidilim na ang paningin ko at ang ulo ko, sasabog na yata. Pumikit na'ko. Naramdaman ko nalang na may nagsusuntukan at nagbabarilan sa paligid ko. Pilit ko'ng binubuksan ang mga mata ko pero hindi ko kaya. Ilang minuto ang nagdaan, tumahimik narin ang paligid at naramdaman kong may nagtatanggal sa pagkakatali ko at binuhat ako.
"Miss Victoria! Stay awake! I will bring you to the hospital. You'll be fine."
After hearing the voice of the man who saved me, everything went black.
YOU ARE READING
Behind The Script
Teen FictionLights Camera Action! Everything in this world is inconsistent. Every minute of its twirl, multifold things are changing. But, humans keep insisting in prolonging the uncertain. She is Cath, a girl who dont believe in a happy ending. A girl who...