POEM 06 PAGMAMAHAL

376 6 0
                                    

Minahal kita ng lubos
Ngunit hindi ko akalaing ito pala'y kapos
Upang punan ang uhaw mong puso
Sa pagmamahal na ipinagkait  sayo

Akala ko kaya kitang kalimutan
Ngunit pagmamahal ko'y walang hangganan
Pagka't iyong pinakita
Ang matatamis na pangako't salita

Sa nakaraang mga taon
Mga alaala'y nabuo
Tunay ngang hindi ko makakalimutan
Ang sayang dulot ng pagmamahak na iyong laan

Sana nga'y hindi tayo naghiwalay
Upang matuoad ang pangarap na maglakbay
Sana'y tayo'y muling magkita
Kaakibat ng pagtupad mo ng iyong mga pangako

Poems 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon