Tama na! Pagod na pagod na ako!
Pagod na ako sa mapanghusgang mata niyo!
Iyak doon, iyak dito
Ako ngayo'y nanlulumo
Nauubos na ako, sa lahat ng insulto
Pakiramdam ko ako'y nag-iisa sa mundoMinsan naisip ko, sana mahalin ako
Mahalin ako ng mga pinahahalagahan ko
Makita nila ang pawis at luha na kinimkim kaya ako ngayo'y talo
Sa mundong ito, madaling manghusga
Madaling magsalita kapag hindi ikaw ang may-sala
Parinig at chismis and pinagtatyagaang marinig
Ngunit walang magawa dahil ikaw pa ang masama
Masama sa kanilang paningin at ika'y iduduro
Iduduro at hihimasukin pati pagkatao moHanda na akong sumuko
Handa na akong lumayo
Handa na akong lumaya
Papunta sa lugar kung saan ako ay masaya○●○●○●○●○●○●○●○●○●
Hey guys! Ginawa ko to nung mga panahong down na down ako. Yung tipong gusto mo na lang maging bula at maglaho. Kaya sa lahat ng mga tao na napapagod na sa mga problema at panghuhusga ng mga tao. Kapit lang kayo at wag kayong susuko. Ika nga ng nila pagkatapos ng ulan ay may liwanag. Late na din pala pero HAPPY NEW YEAR! 💞
BINABASA MO ANG
Poems 101
PoetryThis is a poem collection that are originally written by the author to share her joy, her sadness and her struggles with the readers. @martel_christel 2018