Buwan ng Wikang Pambansa, Agosto 2018
Paalala: Ang tulang ito ay para gunitain ang pambansang wika ng Pilipinas. Isinulat sa araw ng Agosto 31, 2018.
Isa, dalawa, tatlo
Jejemon ay naimbento
Sumunod na din ang gay lingo
Nasaan na ang wikang Filipino?Maling baybay, maling gramatiko
Pangngalan, pang-abay ano nga ulit ito?
Ang alam ko lang ay noun, pronoun na itinuturo sa paaralan ko
Nasaan na ang wikang Filipino?Wikang ikinakahiya na din ng publiko
Wika daw na mapagbago
Wika daw ng pananaliksik
Pero pilit na ginigipit
At tinatanggal sa kolehiyo
Nasaan ang wikang Filipino?Ingles na ngayo'y basehan
Basehan ng grado at katalinuhan
Maling gramatiko, walang pinag-aralan
Magandang akda at pagsasanaysay, matalino't nag-aaral
Nasaan ang wikang Filipino?Sa pagsulat ng sanaysay, itinatanong agad sa guro, "Mam pwede po ba ang Taglish?"
Mga kabataang hirap ngayon sa wikang Filipino
Ibong Adarna, Florante at Laura, hirap intindihin dahil sa mahinang bokabularyo
Nasaan ang wikang Filipino?Mamamayan ng bansa ko
Nasaan na kayo?
Ito na ba ang bayad sa kalayaang natamo?
Ang pagpapabaya at pagpatay sa wikang meron tayo?
Ang pagtangkilik sa wikang banyaga, masabihan lang na matalino?Buksan ang mga mata
Wika'y nawawala na
Isipin natin ang meron tayo
Ang wikang napapabayaan ay ating pagkakakilanlan
Sagisag ito ng kung sino tayo
Protektahan ang wika natin
Sa mga dayuhan at sa mga kababayan natinNasaan na ang wikang Filipino?
Written by: martel_christelMALIGAYANG BUWAN NG WIKA MGA KAPWA KO PILIPINO! ❤
BINABASA MO ANG
Poems 101
PoetryThis is a poem collection that are originally written by the author to share her joy, her sadness and her struggles with the readers. @martel_christel 2018