Nakita ko ang aking sarili
Naiiba at tila tulala
Tatawa, luluha at maya't maya'y tatawa
Tatawa dahil nalaman ko na ako'y naiibaHindi minsan magaling sa eskwela
Hindi makwento at makwela
Walang pagkakapareha sa iba
Tila ba ako ay isinumpa para mag-isaKaya naman ako ay nalungkot
Pait at hapis sa aki'y namayani
Sa kaisipang ako'y walang katulad
At sa pag-aakalang ako'y kinain na ng sistemaNgunit ngayo'y aking naisip
Na ako'y naging masaya
Sa tulong ng aking pamilya at ng Ama
Dahil nalaman ko na ako'y maswerte't ako'y naiiba*♡*♤*◇*♧*
Yes namern hahahaha sinipag ang lola niyo. Anyway this is inspired by my own experience and realizations as a teenager. Di ko na nga ieelaborate hahahaha.HAPPY READING! 🎉
*martel_christel
*march2019
BINABASA MO ANG
Poems 101
PoetryThis is a poem collection that are originally written by the author to share her joy, her sadness and her struggles with the readers. @martel_christel 2018