Unang Pag-ibig

271 9 7
                                    

Unang Pag-ibig


Masakit mang isipin, subalit ikaw ay dapat ng lisanin.

Ngiti mong hindi mabura sa isipin, kailangan ko ng kalimutan.

Mabigat sa aking dibdib itong aking pag-alis.

Huwag mo sanang isipin na ito'y aking nais.

Simula't sapul, minahal kita nang higit pa sa akala ng iba.

Panigurado'y maraming magtataka, kung bakit pinili kong iwan ka.

Akala nila'y perpekto tayo, ako rin, akala ko hanggang dulo ay tayo.

Subalit mali ako, mali ako nang pagkakakilala ko sa'yo.

Akala ko'y iba sa kanila, hindi ka rin naman pala naiiba.

Akala ko ba'y nalimot mo na siya? Pero bakit nagtaksil ka?

Akala ko ba sapat na ako? Hindi ka pa rin pala kuntento.

Akala ko ba mahal ko ako? Akala ko lang ba ito?

Napakagaling mo, napakagaling mong manloko.

At isa akong malaking tanga na naniwala naman sa'yo.

Sa mga salita mong puno ng pangarap natin at pangako.

Pangarap at pangakong habang-buhay ng mapapako.

Pero salamat, salamat sa pagmahahal at pag-aalaga.

Salamat sa mga ngiti at tawa na magkasama nating ginawa.

Salamat sa mga masasayang alaala na hanggang dito na lang.

Salamat sa pagdating mo, kahit na alam kong ako'y panakip-butas mo lang.

Hindi ko inakala na ganito ka niya kabilis babawiin.

At sino ba naman ako upang ikaw ay angkinin?

Halata naman na sa una pa lang ay talo na ako.

Subalit hindi ako nagsisising minahal kita nang todo.

Muli kitang sinulyapan mula sa malayo.

Tinitigan kita at kinabisado ang bawat sulok ng iyong mukha.

Ang iyong ngiti ay mas masigla sapagkat siya ang iyong kasama.

Maging ang kabog ng iyong puso'y ramdam kong kakaiba.

Isang sulyap pa bago ako tumalikod at maglakad palayo.

Pait at sakit sa aking damdamin ay naghahalo.

Nagpanto ko kong hindi pala madaling umibig.

Paalam na sa'yo aking unang pag-ibig.

#033118

Mga Tula sa Tuwing Ako'y TulalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon