Paglimot ay Hindi Sagot

90 3 5
                                    

This poem is dedicated to AC Antonio/ levitrei. Hope you like it senpai! And special thanks to PlatinumWriter, for helping me to edit this part. Thank you, loves!
***

Paglimot ay Hindi Sagot


Paglimot sa masalimuot mong nakaraan ay higit mong kailangan.

Desisyon mong paglisan, huwag mo sanang pagsisihan.

Ito ang nakabubuti para sa iyo, kaya desisyon mo'y aming nirespeto.

Subalit wala na bang ibang solusyon bukod sa pagtalikod dito?


Patuloy kaming susuporta sa iyo, ganun din sa mga istorya mo.

Hindi ka namin kailanman kalilimutan,

Maging mga karakter mo'y aming ipaglalaban,

Sa kabila nang walang humpay na sagutan.


Paglisan na lang ba ang tanging solusyon?

Pagtakbo din ba'y nasa iyong konklusiyon?

Pagtalikod ba ang iyong mas kailangan?

O katatagan at kapanatagan ng isipan?


Naiisip mo ba ang iyong maiiwan?

Kung anong mararamdaman nila kapag ikaw ay lumisan,

Naiisip mo din ba ang mangyayari sa hinaharap?

Kung bibitawan mo ang malapit mo nang maabot na pangarap.


Bibitawan mo na lang ba ng ganun-ganun?

Ang mga pangarap mong pinagsikapan at pinaghirapan.

Hindi ka ba manghihinayang?

Sa mga mambabasa mong hindi na mabilang.



Paano na ang mga karakter sa istoryang binuo mo?

Kakalimutan at buburahin mo na lang ba sila sa iyong mundo?

Paano ang mga istoryang naging libro na?

Itatago mo na lang ba sa aparador na para bang hindi mo ito likha ?



Pinakamamahal naming manunulat,

Sa edad na labing amin ay marami ka nang nasulat.

Hayaan ang mga manghuhusga at ngumiti na parang wala sila.

Ipagpatuloy ang iyong mga katha at bigyang kulay katulad ng iba.



Paglimot, pagtalikod, pagtakbo ay hindi solusyon.

Mga katha at mambabasa mo'y gawin mong inspirasyon.

Upang katatagan ng loob ay lalo pang umusbong,

At ipagpatuloy ang naudlot mong imahinasyon.

Mga Tula sa Tuwing Ako'y TulalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon