Nakakapagod

34 3 0
                                    

Nakakapagod

Nakakapagod nang sumulat ng tula,
Mga tulang tungkol sa 'ikaw at ako' pero wala namang 'tayo'.

Nakakapagod sumulat ng tula,
Mga tulang puro "sana",
Mga tulang puno ng "baka",
at "akala".

Nakakapagod tumula,
At pagod na rin akong umasa sa wala.

Pagod na kong sumulat ng tula,
Mga tulang puno ng luhang isinalin sa salita,
Mga tulang sa simula ay masaya,
Sa simula lang pala masaya.


#112119

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tula sa Tuwing Ako'y TulalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon