"Okay ka lang?"

90 1 3
                                    

This poems is dedicated to PlatinumWriter. Salamat sa walang sawang pagsuporta at pagbasa sa mga tula ko! Ikaw ang unang reader ko, and I'll never forget that! Hope you enjoy this new poem! Ciao, loves! :*
***

Okay ka lang?


"Okay ka lang?"

Ano bang tamang sagot para sa tanong na 'yan?

"Okay ka lang?"

Madalas ay kasinungalingan pa ang tugon mo dyan.

Bakit ka nga ba tinatananong ng mga tao ng "okay ka lang?"

Kung alam naman nilang hindi talaga ganun ang nararamdaman mo.

Bakit nga ba ang hirap sagutin ng tanong na yan?

Kasi, takot ka magpakatotoo sa nararamdaman mo.

Takot kang malaman nila na iba ang ipinapakita mo sa labas,

At kung ano ang totoong nararamdaman mo sa loob.

Takot kang malaman nilang nagpapanggap ka lang na masaya,

Kahit ang totoo'y wasak na wasak ka na.

Takot kang ipakita kung ano ka talaga,

Kung ano ang nararamdaman mo,

Takot kang ipakilala ang totoong ikaw,

Kung sino ka nga ba dapat sa mga mata nila.

Kaya ba simpleng tanong na "okay ka lang?" ay hindi mo masagot?

Kaya ba mas pinipili mong magsinungaling kaysa magpakatotoo?

Kaya mas gugustuhin mong magpanggap at magtago ng nararamdaman mo?

Kasi, takot kang magtiwala at mahusgahan ng mga tao.

Hindi ka ba napapagod sumagot ng,
"okay lang"?

Sila kasi ay pagod ng itanong kung,
okay ka lang.

Binago nila ang tanong sa huling pagkakataon,

Kahit na alam nilang sarado ang puso't isip mo,

Kahit na alam nilang magsinungaling ka lang,

At hindi ka sasagot ng totoo.

"Kamust ka na?" masuyong tanong nila.

Nagulat ka subalit kulang pa.

"Okay lang" at sa huling pagkakataon,

Nagpanggap ka at binigo sila.

Mga Tula sa Tuwing Ako'y TulalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon