Prolouge
Raven
"Welcome to Ilocos" basa ko sa sign na nalagpasan namin.
Gahd! Ang sakit sakit na ng pwet ko. 8 hours din na byahe yun a!
"Finally! Malapit na rin tayo"
Napasimangot ako nung marinig ko yun kay mom. Habang palapit kasi kami ng palapit sa bahay nila lola ay mas lalo naman akong kinakabahan. At isipin ko pa lang na doon ako titira for 3 months ay naiiyak na ako.
"Mom. Kailangan ko po ba talagang tumira dun? Can't we just go back home? Please, ayoko talaga dito sa probinsya" angal ko.
Hinarap ako ni mommy dito sa backseat at syaka ako tinitigan.
"Shut up vhen. Ni hindi pa nga tayo nakakarating e. Syaka wag ka ngang umangal jan. Bakit, nakakalimutan mo na bang ikaw ang dahilan kung bakit tayo naririto ngayon?" Sagot nya.
Ayan! Ayan na naman sila! Ilang beses ko bang sasabihin na WALA AKONG GINAGAWANG MASAMA! Totoong nandun kami sa bar na yun. But we're just watching. Hindi naman talaga namin alam na may nangyayaring kababalaghan sa lugar na yun! Lintek naman kasi. Bakit ba kasi kung kailan kami nandun syaka pa naraid yung bar! Ayan tuloy.
"But im innocent! Mom, nanonood lang talaga kami that time promise. Kaya sige naman na, balik na tayo sa Manila" pamimilit ko sa kanya. No! Ayokong tumira dito sa province.
"Positive ang mga kaibigan mo. How can you convince us na hindi mo sila ginagaya? Sa Ilocos ka hanggat wala pa yung result ng drug test mo" sagot nya at syaka bumaling ulit sa harapan.
Aaaarg! I hate them. Bakit ba wala silang tiwala sakin? Kasalanan bang hindi ako mapili sa kaibigan? Yes I know Vincent and his friends are taking illegal drugs but I dont care. What matters is that I enjoy hanging out with them.
Hindi naman kasi ibig sabihin na kapag kaibigan mo yung isang tao kailangan mo na ding gawin yung mga ginagawa nila.
Bumaling ako kay dad at sya naman ang kinulit ko.
"Dad please. Ayoko po talaga dito sa Ilocos. Please" pagmamakaawa ko.
Bumuntong hininga lang sya at syaka ako tinignan sa front mirror.
"Im sorry sweetie, but this time, kami naman ng mom mo ang masusunod. It's for your own sake anyway" sabi nya sabay ngiti.
No. This ain't happening. Dati rati, isang pakiusap ko lang kay dad pinagbibigyan nya ako agad. But now? Hayys.
Sinimangutan ko lamang sya at syaka sumandal ulit. Binalik ko ang headphone ko at tumingin sa bintana. Pinanuod ko lang ang mga bahay at mga punong nalalagpasan namin.
This is really boring ! Bulong ko sa sarili ko
Nagising ako nung maramdaman kong unti unti ng bumabagal ang takbo ng sasakyan. Nakatulog pala ako ulit. Nakita kong ipinarada ito ni dad sa harap ng isang puting bahay na may dalawang palapag.
"We're here sweetie. Baba kana jan" utos sakin ni dad.
Tinanggal ko ang headphone ko at inilagay sa leeg ko. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at saka ako bumaba. Nagulo agad ang buhok ko dahil sa lakas ng hangin. At halos mapatalon ako sa tuwa ng makita ko kung ano ang nasa harap ng bahay. Dagat! Sigaw ko sa aking isipan. Naexcite tuloy akong maligo.
BINABASA MO ANG
Punishing You (HotMess Series#1: Raven)
Teen FictionAkala ni Raven ay ang pagdala ng mga magulang nya sa kanya sa Ilocos ang magiging kaparusahan nya sa kasalanang hindi naman talaga nya ginawa. But she was wrong. Dahil pagdating nya sa Ilocos, isang mas masakit na kaparusahan ang naghihintay sa kany...