CHAPTER 2

17 1 1
                                    

Chapter 2. I Hate You More and More Everyday

RAVEN

Kahit hirap na hirap ako sa pagbangon kinagabihan ay wala akong nagawa kundi pilitin ang sarili na tumayo. Mugto pa ang aking mga mata dahil sa labis labis na pag-iyak kanina. Gustong-gusto ko na talagang umuwi pero wala na akong magagawa dahil iniwan na ako nila mommy dito.

Naligo muna ako upang mabawasan ang pamumugto ng aking mga mata. Naglagay din ako ng powder sa aking mukha. Gusto ko na lang sanang magkulong dito sa kwarto pero hindi iyon maaari dahil mag-aalala sa akin si Lola. Hindi ako bumaba nung lunch kaya siguradong nag-aalala na iyon ngayon. Ayoko namang maging pabigat sa kanya dahil may katandaan na din naman sya at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. Isa pa, wala naman syang kasalanan sa pinagdaraanan ko ngayon.

Naabutan ko si Lola na kumakain mag-isa sa dining room. Tahimik na ang buong paligid ngayon hindi tulad nung unang araw ko dito. Nakasimangot sya at tila hirap na hirap sa pagsubo ng pagkain.

"Goodevening Lola" masayang bati ko. Or let's just say, pinipilit maging masaya. Sigurado akong ako ang dahilan ng pagkalungkot nya ngayon.

Napangiti naman sya agad ng makita ako "Raven! Akala ko kung natutulog kana. Come. Join me" aya nito habang inilalahad ang upuan sa tapat nya.

Umupo ako agad at nagsimulang kumuha ng pagkain. "Maaari bang hindi ko sabayan ang maganda kong lola?"

Napatawa naman sya agad sa sinabi ko "Ikaw talaga. Kumain ka na nga lang at baka maniwala pa ko sa mga pambobola mo." napailing lang ako habang natatawa sa sagot nya.

"Lola! Totoo iyon! Napakaganda nyo po talaga. Kaya nga nagpapasalamat ako sa magandang lahi na namana ko sa inyo e"

Mas lalo syang napatawa sa sinabi ko. Nagbiruan lang kami ng nagbiruan. Yes this dining room looks so empty kaya kahit kaming dalawa lang ang nandito, gusto ko namang bigyang buhay ito. Mas lalo lang akong malulungkot kapag tahimik ang paligid.

"Bakit dika mamasyal bukas? Sigurado akong mabobore ka dito sa bahay. Wala kaming malalaking mall tulad ng nasa Manila pero baka gusto mo paring puntahan. Pwede ka ding dumalaw sa resort" aniya.

Napatango naman ako sa mga sinabi nya. Konti lang ang dinala kong gamit kaya mabuti narin sigurong mamasyal na muna at mamili lalo na't matagal tagal pa ako rito. Ayoko namang pumunta sa resort. Doon nagtatrabaho si Reyst at sya ang pinakahuling tao na nais kong makita sa ngayon.

"Sige la. Bukas na bukas ay pupunta ako sa bayan" wika ko. "Next time na lang po siguro ako mamasyal sa resort"

"Sige iha kung yan ang gusto mo"

Naglagay lang ako ng lipbalm at powder sa aking mukha. Isang simpleng jeans at white v-neck lang din ang suot ko. Mamamasyal ako ngayon sa bayan. Ayoko ng magmukmok at damhin ang lungkot dahil hindi iyon makakatulong. Pinagmumukha ko lang tanga ang sarili ko. Three months lang naman ito  so ieenjoy ko na lang ang pagstay ko dito.

Naabutan ko si lolang may kausap sa sala. Hindi ko pa namukhaan ang kausap nya nung una pero nung ngumiti ito sakin ay alam ko na kung sino ito.

"Magandang umaga iha. Andito na ang pusit na ipinangako ko sa iyo" bungad nya sa akin.

Ngumiti ako at saka sila nilapitan. "Naku! Akala ko'y nakalimutan na po ninyo. Maraming salamat po"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Punishing You (HotMess Series#1: Raven)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon