CHAPTER 1

18 1 0
                                    

Chapter 1. Hindi tayo close!

Raven

Late na ako nagising kinaumagahan. Paano ba naman kasi, hindi matanggal tanggal sa isipan ko yung sinabi nung reyst na yun!

Hindi na ako magtataka kung nagawa mo man yun.

Yan yung mga huling sinabi nya kagabi. Ano yung sinasabi nyang ginawa ko? Yun bang nagtetake daw ako ng illegal drugs?

Aaaaaaagh!

Bat ba hanggang ngayon yun pa rin yung iniisip ko. The hell I care with his opinion? Wala syang alam! Hindi nya alam yung totoong nangyari kaya wala syang karapatan na husgahan at insultuhin ako!

Bumaba na ako pagkatapos kong maligo. 10:00 na, hindi pa ako nakapagbreakfast. Im hungry.

Katulong lang ang naabutan ko sa kusina. Tahimik din ang buong bahay.

"Hello manang. Nakita nyo po ba sila mommy?" Tanong ko sa babaeng naghuhugas ng mga pinagkainan.

Pinunasan nya muna ang kanyang kamay bago ako hinarap. "Gising na po pala kayo. Pumunta po sila sa resort kasama ng lola nyo. Ang sabi ay hintayin nyo na lang daw  sila dito. Kumain na po kayo. Nakahanda na ang breakfast nyo sa mesa"

Tinanguan ko lang sya at nagpasalamat na din. So, wala akong kasama ngayon dito?

Dumiretso na nga ako sa dining table at kumain mag isa. Nakakawalang gana naman nito. Kung bakit ba late akong nagising. Plano ko pa naman sanang maligo sa dagat ngayon. Kasalanan to nung reyst na yun e! Sinira nya yung mga balak kong gawin ngayong araw.

Kagabi, habang iniisip ko yung mga sinabi nya, napagpasyahan kong iwasan na lang sya. Ayokong makita ni anino nya. Wala akong balak makipagkaibigan sa mga tulad nyang mapanghusga.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto. Total ay mainit na, mamayang hapon na lang ako maliligo sa dagat. Magkukulong na lang ako dito at manonood.

Kahit sa tanghalian ay wala parin sila mom kaya pinahatid ko na lang yung lunch ko dito sa kwarto. Pagkatapos kumain ay natulog na lang ulit ako.

Mag-aalas singko na nung nagising ako. Hinawi ko yung kurtina sa kwarto at nakitang hindi na masyadong mainit. Kinalkal ko yung dala kong rash guard at nagpalit. May nakita ako kaninang surf board sa baba. Gagamitin ko yun! Minadali ko na ang pag-aayos sa sarili dahil sa sobrang excitement.


Bumaba ako at napansing wala parin si mom. May nakasalubong akong kasambahay at nakumpirma kong gagabihin na nga sila ng uwi. Dumiretso muna ako sa kusina at kumuha ng bottled water syaka lumabas. Kinuha ko yung surf board at dumiretso na sa dagat.

Habang naglalakad ay may nakasalubong ako. And guess who?

Yes. It was him. That judgemental man, Reyst!

Naramdaman ko ulit yung galit ko sa kanya dahil sa mga salitang binitiwan nya kagabi. Kaya pinilit ko na lang itong burahin sa aking isipan at binalewala na lang. Nilagpasan ko sya na para bang hindi ko sya nakita kahit ang totoo'y gustong gusto ko na syang komprontahin! Kakasabi ko lang na iiwasan ko sya.

Hindi ko dapat pinag aaksayahan ng oras ang mga taong tulad nya. He can judge me as long as he want to but I don't effin care.

Lumusong na ako sa dagat at halos mapatili ako ng dumampi sa king balat ang malamig na tubig. Kalaunan ay nasanay din ang aking katawan sa lamig.

Punishing You (HotMess Series#1: Raven)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon