CHAPTER - IV

76 17 6
                                    

"We meet again"

OST #3: Butterfly by BTS
(A/N: Play for more feelseu^^)

C h a n y e o l

PAGDATING na pagdating namin ay kaagad akong nagtatakbo papunta sa loob ng bahay ni Lola.

"Apo!" Sinalubong ako ni Lola habang nakaspread yung kamay niya at akmang yayakap sakin pero iniwasan ko lang siya at nagpunta sa kwarto ko.

"Aba! Nagbinata ka lang ganito ka na kung umasta? Halika dito at kukurutin ko yang malapad mong tenga ng matauhan ka!"

Porket 15 years old na binata na? Ganun ba talaga yon? Nilagay ko yung mga bagahe ko sa sahig saka nahiga sa kama ko. Napatingin ako sa relo ko. It's 3pm tatlong oras pa tsk.

Sa sobrang excited ko na magpunta dito nauna na akong magpunta dito kesa kina mama at papa. Dapat kasi next week pa kami bibiyahe dito kaso ginawa ko ng early yung mga requirements ko at tinapos yung mga finals ko kaya pinilit ko sina mama na hayaan akong mauna magpunta dito.

Huli kasi akong magbakasyon dito ay nung 9 years old palang ako. Sa sumunod kasi na mga bakasyon marami akong ginawa. Nag-attend ako ng mga workshops both academic and curricular then nagpunta kami sa ibang bansa due to dad's business trips sinama pa kasi kami.

Napaupo ako sa pagkakahiga ng bumukas yung pintuan ng kwarto ko at iniluwa si Lola na nanlilisik ang mga matang nakatingin sakin.

"ARAY! SORRY NA PO LOLA!" Kinurot lang naman niya yung tenga ko---ANG SAKIT KAYA!

"Walanghiya kang bata ka! Hindi mo manlang ako binati kanina ng dumating ka!"

"Sorry na po Lola"

Sa wakas binitawan niya na rin. Naupo siya sa tabi ko saka tiningnan ako ng mabuti.

"Ang gwapo ng apo niyo La" Sabi ko sa kanya saka nag-pogi sign.Binatukan lang ako nito.

"Naging mahangin ka na din! Kaya lang naman ako nagtataka ay dahil sa bigla mong pagkagayak na magpunta dito---eh ayaw na ayaw mo dito diba? Tuwing nandito ka palagi mong hinihiling na matapos na kaagad ang bakasyon ng makauwi na kayo sa syudad, pero ngayon? Ikaw pa tong namilit sa mga magulang mo na magpunta na dito"

Napaiwas ako ng tingin kay Lola. Kahit kailan talaga napakausisera ni Lola.

"O siya maiwan na kita, kung may kailangan ka sabihan mo nalang ako nasa baba lang ako" Tumango ako saka umalis na si Lola.

Nilabas ko mula sa jacket ko yung dahon na binigay niya saki  noon. Pinalaminate ko ito para mapreserve. Hindi ako mapakali kaya binalik ko sa bulsa ng jacket ko yung dahon saka natulog nalang muna ako.

***

Nagising ako ng tumunog yung alarm ko sa relo. It's 6pm! Napatingin ako sa may bintana ko. Naging pink at orange na yung kalangitan, nag-aagaw nadin ang araw at ang buwan---dumating na ang oras!

Dali-dali akong tumayo at inayos ang sarili. Lumabas na ako ng bahay at tinungo yung gubat. Kung noon takot na takot ako sa tuwing nagpupunta sa mga ganitong lugar, ngayon hindi na and it's all because of Dara noona.

Forbidden Twilight Where stories live. Discover now