CHAPTER - III

66 17 2
                                    

"Affection from a Leaf"

C h a n y e o l

Malungkot ako habang nag-iimpake ng mga gamit ko. Patapos na ang bakasyon at kailangan ko ng magpa-enroll kaya bukas na bukas uuwi na kami. Ng matapos ako nagdesisyon akong bumaba . Naabutan ko pa sina Lola at Mama sa may balcony na nagmemerienda.

"Oh, Chanyeol! Bakit nakasimangot nanaman ang anak ko?" Sabi ni Mama saka pinaupo ako sa lap niya.

"Andun sina Nana oh, baka gusto mong makapagpaalam sa kanila ng maayos bago ka umalis" Tinuro ni Lola sina Nana sa may di kalayuan.

"Ah. Sige puntahan ko muna sila" Nagpaalam ako kina Lola at Mama saka nagpunta sa pwesto nina Nana.

"Uy Chanyeolito!" Bati niya sakin. "Makungkot ka yata ngayon?"

"Uuwi na kami sa syudad bukas" Sabi ko sa kanya at naupo sa tabi niya.

"Ano naman ang masama dun? Magpapasukan na diba? Kaya dapat lang na umuwi ka na at ng makapagpaenroll ka na"

"Gusto kong dito nalang mag-aral nandito naman si Lola eh---ARAY!"

Bigla nalang nambabatok ang babaeng to! Napaka sadista talaga!
Hinimas ko nalang yung parteng sinaktan niya.

"Baliw! Magiging pabigat ka lang sa Lola mo dito, at alam mo bang kahit sinong bata dito sa probinsiya gagawin ang lahat makapagaral lang sa syudad! Maganda dun diba? at sigurado akong magaling din yung mga nagtuturo dun"

Hindi nalang ako umimik sa sinabi niya. Maya-maya ay nakita namin si Jin sa di kalayuan kaya tinawag namin ito at pinalapit.

"Uuwi ka na pala? Sayang kung sa pinakaunang araw sana ng pagpunta mo dito naging magkakaibigan na tayo edi sana mas marami pa tayong nagawa ayan tuloy uuwi kana parang isang linggo lang tayo nakapaglaro"

"Ok lang babalik naman kami next year, sa susunod na bakasyon" Sabi ko sa kanila

"Talaga? Mabuti kung ganon, edi sa pagbalik na pagbalik mo maglalaro tayo kaagad!" Tuwang sabi ni Nana

"Oo nga!" Tuwang tuwa din si Jin.

Napangiti nalang ako habang tinitingnan sila.

"Ano pang tinutungatunganga natin dito? Huling araw na dito ni Chanyeol kaya maglaro tayo! Sulitin na natin ang araw na to!" Ani ni Nana saka nangunahan sa paglalaro.

Marami kaming nilaro. Masaya pala ang ganito. It was 6pm already when we decided to stop playing. Pagod na pagod kaming lahat.

"Sige, paalam Chanyeol. Sabi mo ah? Babalik ka sa susunod na bakasyon ah?"

"Oo na oo na! Paulit-ulit ka Nana" Napapatawa kong sabi. Nagkapaalaman kami at nagsiuwian na.

Habang naglalakad ako pauwi sa gilid ng gubat biglang humangin ng malakas at nilamig ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit napatigil ng makarinig ulit ng tunog niya.

Cling....Cling....Cling....

Bumilis yung tibok ng puso ko pagkarinig ko dun. I had the urge to look behind me. Ng lumingon ako mas lalong lumakas lang yung tibok ng puso ko.

"D-dara n-noona" Di makapaniwalang sabi ko. Kinusot ko pa yung mga mata ko sa pagkakaalalang baka nananaginip lang ako.

"Ako talaga to Chanyeol" Nilibot ko siya at sinuri. Buti sana kung pwede ko siyang hawakan para makompirma kong totoo nga siya kaso bawal pala.

"Ako nga to hahaha" Napatawa nalang siya sa pinaggagagawa ko.

"Narinig ko sa ibang spirits na nagpunta ka sa gubat nung isang araw at hinahanap ako" Bigla akong namula sa sinabi niya

"Pasensya ka na kung hindi mo ako nakita, sa araw kasi hindi ka makakakita ng spirits sa pagkat natutulog sila. Nung maggagabi na at pauwi ka na dun lang ako nagising at kaagad kitang nakita. Tatawagin sana kita kaso kailangan mo ng umuwi nun"

Sayang pala, sana mas nagtagal pa ako sa gubat nung araw nayun. Edi sana nagkita kami ni Dara noona.

"Ngayon naman, kailangan mo ng bumalik sainyo sa syudad ba iyon? Gusto kong makapagpaalam ng maayos sayo hindi ko alam kung bakit"

Nanatili lang akong nakatingin kay Dara noona. Marami akong gustong sabihin sa kanya kaso hindi ko magawang masabi sa kanya---aish! Ang gulo!

"B-babalik naman ako sa susunod na bakasyon" Nahihiyang sabi ko at nginitian niya ako.

"Talaga? Kung ganon maghihintay ako sa pagbabalik mo---ah! May regalo nga pala ako sayo, pasensya ka na ah? Dahon lang ang maibibigay ko sayo sa ngayon"

Bigla akong nailang ng lumapit siya sakin. Yumuko siya at lubos kong ikinapula yung sunod niyang ginawa.

Nilagay niya sa may pisngi ko yung dala niyang dahon saka hinalikan iyon kaya para naring hinalikan niya talaga ako sa pisngi ginawa niya lang barrier yung dahon.

Para akong tangang nakahawak sa kaliwang pisngi ko habang nakatingin lang kay Dara noona na nakangiti lang sakin.

Binigay niya sakin yung dahon saka kumaway sakin.

"Chanyeol?" Bigla akong napalingon ng may tumawag sakin. Si Dad pala yon nasa loob siya ng kotse mukhang pauwi nadin siya kina Lola.

"Anong ginagawa mo dito? Mag-gagabi na sumakay ka nalang sakin pauwi"

Napalingon muna ako sa kinaroroonan ni Dara noona kanina pero wala na siya don. Wala akong nagawa kundi sumakay nalang kay Dad pauwi.

"Nakapaghanda ka na ba ng mga gamit mo?" Tanong ni Dad sakin sa sasakyan.

"Opo"

Hindi na kami nagusap pang muli. Pagkauwi namin sa bahay ay nakangiti akong sumalubog kina Mama at Lola.

"Aba, mukhang may magandang nangyari sayo kanina nak ah? Ang saya mo bigla. Let me guess is it because of Nana?"

Umiling ako pero nakangiti parin. Umakyat na ako sa kwarto at nahiga. Tinabi ko yung dahon na bigay niya sa pagtulog ko. Pag gising ko kinabukasan maaga kaming umalis para umuwi.

Pagkarating namin sa Mansion namin bigla akong nakaramdam ng lungkot. Ang layo ko sa kanya---ang layo niya sakin---ang layo namin sa isa't-isa. Gusto ko ng bumalik kina Lola ngayon din!

Sa susunod na linggo magiging busy na ulit ako, simula na ng pasukan. Pero buti narin yun para pagnatapos na yung pasukan bakasyon na ulit tapos.....magkikita nanaman kami.

###

Ayo~ hihi kinikilig ako sa batang to! 9 years old palang ang dami ng alam. Anyway look forward to the next chapter ciao~

###

Forbidden Twilight Where stories live. Discover now