Chapter - XIII

58 14 3
                                    

"Point of views"
[Part I/III]

J i n

Naalala ko pa nung una kaming magkakilala ni Chanyeol.

Ang antipatiko niyang bata noon. Sobrang sungit pa!

"Ang weird talaga ng apo ni Lola Soo hye no? Bampira ba siya? Bakit hindi siya lumalabas ng bahay nila?" Tanong ni Nana sakin habang nakamasid sa bintana kung saan tanaw namin yung anak ni Lola Soo hye.

"Aba ewan ko." Tugon ko saka kumagat ulit sa pinasingawang matamis na patatas na binili ko kanina lang.

"Ang cute niya pa naman oh! Gusto ko siyang maging kaibigan!"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Porket cute gusto mo ng maging kaibigan?"

"Oo naman ayoko ng pangit na kaibigan no!"

Napangisi ako sa sinabi niya at siniko siya ng pabiro.

"Ibig sabihin cute rin ako?"

Sinamaan niya ako ng tingin.

"At sino namang nagsabi sayo niyan? Bakit magkaibigan ba tayo? Hmp!"

Natawa nalang ako. Bahala siya at least ako tingin ko'y cute din naman ako!

Isang araw nung naglalakad kami ni Nana at ng mapadaan kami sa bahay ni Lola Soo hye bigla akong hinila ni Nana papunta sa may balkonahe kung saan nagtatahi si Lola Soo hye.

"Lola Soo hye magandang hapon po!"

"Magandang hapon po."

Bati namin kay Lola Soo hye.

"Oh Jin at Nana? Kumusta kayo?"

"Ok lang po. Miss na po namin ang mga kwento ninyo." Sabi ni Nana na pasimpleng sumusulyap sa loob ng bahay na parang may hinahanap.

"Ano po ba yung tinatahi niyo Lola Soo hye?" Tanong ko ng mapansin yung tinatahi ni Lola Soo hye.

"Ah isa itong sweater para sa apo ko."

Bigla yatang nagpantig ang tenga ni Nana sa narinig.

"May apo po kayo?" Kunwaring gulat na tanong niya. Psh alam niya namang may apo si Lola Soo hye.

"Ah oo. Galing sa syudad kaya ayun medyo nahihirapang mag-adjust dito sa probinsya."

"Isang anak lang po siya?" Tanong ko at tumango si Lola Soo hye.

"Madalas siyang nag-iisa," napabuntong hininga si Lola Soo hye. "Hindi ko na alam ang gagawin sa apo kong iyon. Ayaw niya sa ibang tao. Ang hirap niyang pakisamahan. Wala siyang mga kaibigan."

"Naku Lola Soo hye! Kaming magiging kaibigan niya!" Masiglang sabi ni Nana na ikinatuwa ni Lola Soo hye.

"Diba Jin?"

"Ah oo...opo." sabi ko nalang sabay kamot sa batok ko. Sayang saya ni Nana ha?

"Ganun ba? Siya ipapakilala ko siya sainyo."

Pumasok si Lola Soo hye sa bahay niya at naghintay naman kami ni Nana sa Labas.

"Ayieee makikita ko na yung apo ni Lola Soo hye sa malapitan!"

Forbidden Twilight Where stories live. Discover now