CHAPTER - V

69 16 2
                                    

"Reunion with friends"

OST #4: I'm young by Winner's Taehyun
(Play for more feelseu~)

C h a n y e o l

NAGISING ako ng magring yung phone ko. Kinuha ko ito saka tamad na sinagot.

"Chanyeol nak, kumusta diyan?" Si mama lang pala.

"Ok lang"

"Paki sabi sa Lola na hindi kami ng Dad makakabisita dahil sobrang busy kami this summer. Pasensya ka na ha? Mag-isa ka lang tuloy diyan"

"Hindi naman. Nandito naman si Lola saka yung mga kaibigan ko" May mga kaibigan pala ako dito---nasaan na kaya ang mga yun?

"Asus, nagkita na ba kayo ni Nana? Yiiie kaya ka atat na atat na magpunta diyan dahil sa kanya no?"

"Ma for the nth time, kaibigan lang ang tingin ko kay Nana. Bakit mo ba siya pinagpipilitan sakin?"

"Sorry naman nak, ganda kasi ng bata na yun! Papanong hindi ka magkakagusto dun?"

"Sige na ma, walang sense na yung pinagsasasabi mo. I'll hung up na bye"

Inend ko na yung tawag bago pa makasagot si Mama. I yawned as I got up from bed. Ng matapos akong mag-ayos ng sarili bumaba ako at sumabay kay Lola na kumain.

"Saan naman ang lakad mo ngayon?" Tanong niya sakin.

"Sa labas, pupuntahan ko sina Jin" Tumango lang si Lola.

Ng matapos akong kumain nagpunta ako sa bayan. Sabi kasi sakin kanina ni Lola nasa bayan yung bahay nina Jin at Nana.

"Nandiyan po ba si Jin?" Tanong ko sa ale na may-ari ng bahay na palagay ko ay nanay ni Jin.

"Jin! May naghahanap sayo!" Tawag niya at maya-maya ay lumabas ng bahay si----TEKA SI JIN BA YAN?

"CHANYEOL?"

"JIN?" Di makapaniwalang tawag namin sa isa't-isa grabe kasi ang laki ng pinagbago niya.

"Tangkad mo na tol!" Sabi niya sakin habang naglalakad kami sa bayan.

"Oo, at ang payat mo na---este hindi ka na mataba ah?"

"Ah oo, haha dami kasi ng utos ni nanay kaya namayat nalang ako habang tumatagal"

Naupo kami sa isang bench na malapit sa basketball court. Bumili din kami ng tig-isang ice-cream.

"Kumusta kayo dito nung wala ako?" Tanong ko

"Grabe ang daming nagbago. Naalala mo si Nana? Ang laki din ng pinagbago ng babaeng yun!---teka speaking of ayun siya oh!"

Napatingin ako sa direksyon na tinuro niya. Narecognize ko naman kaagad si Nana. Malaki nga yung pinagbago niya, hindi na siya asal lalaki. Nakasuot siya ng sando at maikling shorts.

"Hindi na madaling makalapit sa babaeng yan sa panahon ngayon. Lalo na at may boypren yan na busagulero!"

Biglang napatingin si Nana sa direksyon namin saka nagtama ang mga mata namin. Nagkatitigan muna kami saglit tapos biglang nanlaki ang mga mata niya.

Forbidden Twilight Where stories live. Discover now