CHAPTER - VII

52 15 3
                                    

"Minds unweaving"

C h a n y e o l

INAYOS ko yung cap ko bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila Nana. Rinig na rinig mula sa labas yung malakas na tugtog ng musika na nanggagaling sa loob. Mukhang kanina pa nagsimula yung party niya.

Napapatingin sakin yung mga taong dinadaanan ko. Siguro dahil ngayon lang nila ako nakita. Una kong hinanap si Jin, nilibot ko ang buong tingin sa loob ng bahay nila Nana. Mamaya ay may kumaway sakin. Nakita ko na din si Jin.

"Uy! Buti at nakarating ka" Nakipagbro fist ito sakin saka hinila papunta sa mga kaibigan niya.

"Guys, siya yung sinasabi ko sainyong kababata namin ni Nana."
He nugded my elbow asking to introduce myself to everyone.

"Park Chanyeol" Pakilala ko saka nagbow.

"Daebak! Diba yung nagmamay-ari sa isang branch ng Viva Polo dito, isang Park?" Tanong nung isang babae.

"Yes, he's my dad"

Namangha sila sa sinabi ko, though hindi naman kamangha-mangha yon.

"Guys! Nandito na pala kayo, omg! Salamat at nakadalo kayo!"

Napatingin kami sa biglang nagsalita, nandito na pala yung birthday girl. She smiled at me and I smiled back. Nilapitan ko siya.

"Happy Birthday" Bati ko sabay bigay ng dala kong isang boquet ng yellow rose saka gift.

"Omg! Gurl, magjowa ba kayo? Bagay kayo sobra!" Hirit ng isa niyang babaeng kaibigan.

"Che! Anong tingin mo sakin timer? Saka bagay kami? Haler tao po kami at lilinawin ko lang na magkaibigan lang kami nitong si Chanyeol period" Paliwanag niya.

"Sayang naman"

Kung ano-ano pa yung ginawa namin sa party. Nagkulitan, kwentuhan, asaran, naglaro. Nagulat pa nga ako ng umiinom na sila ng mga matatapang na alak. I warned them but sinabihan lang nila akong KJ, palibhasa wala kasi dito yung parents ni Nana kaya heto, silang bahala kung anong gagawin magdamag.

They forced me into drinking but It only fell on deaf ears, sorry sila but we're still minors and eventhough hindi ako sumusunod kina Lola, alam ko na naman kung ano ang tama at mali---And I know that drinking won't do any good to me kaya stick to iced tea lang ako.

"Nga pala Nana, nasaan na ang boyfriend mo?" Tanong ng isa niyang kaibigan.

"Aba, malay ko dun baka nanchichicks. Isa pa hindi ko yun inimbitahan eh sisirain niya lang birthday party ko"

Nagtawanan sila, nag-asaran naglaro ng kung ano-ano. I gotta admit that I was enjoying the night already, di ako mahilig sa mga ganitong event kaya ngayon ko lang narealize kung gaano ito kasaya.

"Chanyeol!" Tawag ni Nana sakin. Nagpunta siya sa may balcony sa taas ng bahay nila tahimik lang akong sumunod.

"Hay tahimik din" Sabi niya saka nakapahalumbaba sa may railings.

"Asan si Jin? Di mo pinasama?" Tanong ko pero umiling siya.

"Pinapasama ko ayaw niya, busy sa panchichicks" Napatingin siya sakin saka tinaas yung hawak niyang boquet na bigay ko.
"Bakit yellow roses?" Tanong niya.

"When a man gives you flowers, it's another way of saying what they feel for you and the reason why I chose the yellow roses for you is because, yellow roses means friendship. You and Jin are special to me since you guys are the only friends I have, I treasure our friendship very much" Para siyang nalungkot sa sinabi ko---anong nakakalungkot dun? Na touch ba siya masyado?

"A-ah...haha kung ganon salamat---kayo din ni Jin mahalaga kayong dalawa sakin."

Napamasid kami sa tanawin sa labas, napako ang tingin ko sa kagubatan, ano kayang ginagawa niya ngayon? Kahapon nagpaalam ako sa kanyang hindi ako makakapunta sa kanya dahil sa birthday ni Nana. Bakit parang naguguilty ako?

***
D a r a

"Tigilan mo na yang pakikipagkaibigan mo sa taong iyon Dara, ikakapahamak mo lang lalo pagnagpatuloy ka pa sa kahibangan mong yan. Isang tao at isang spirit? Magkaibigan?"

Nalungkot ako sa sinabi sakin ni Sedon, isang kapwa kong spirit pero hindi siya kagaya kong may sumpa na mawawala kapag nahawakan o nadikitan ng balat ng isang tao. Pinang-aaralan niya ako na layuan ko na daw si Chanyeol, ngayon pa at malalim na ang pagkakaibigan namin?

Mula nung nabuhay ako bilang isang spirit, buong buhay ko palagi lang akong malungkot. Parang may hinahanap ako ngunit hindi ko matukoy iyon.

Hanggang sa isang hapon ng nagising ako sa mahimbing kong tulog, nagpasya akong maglibot-libot lang muna sa gubat. Nakarinig ako ng boses ng batang humihikbi. Nilapitan ko ito. Naalala ko pa yung nakakaawang itsura niya sa ilalim ng malaking puno. Ang bata pa niya noon, tinulungan ko siya at mula non natutuwa ako sa tuwing magkikita kami, naging magkaibigan kami at hindi ko naman alam na magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon.

"Hindi isang kahibangan ang pakikipagkaibigan Sedon, palibhasa nasasabi mo ang mga yan dahil hindi mo naman alam yung pakiramdam magkaroon ng kaibigan"

Napailing si Sedon.

"Oo nga pala, tao ka naman talaga kaya pala hindi maiiwasang malapit ang loob mo sa mga tao"

"Hindi ako tao, hindi din ako spirit nakalimutan mo na ba Sedon?"

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Sedon ay nagpunta ako sa may pond kung saan madalas kaming magpunta. Naupo ako saka ibinabad yung paa ko sa tubig. Nakita ko yung barkong ginawa namin nung isang araw na gawa sa papel, nalusaw na ito at lumulutang pa din naman sa tubig. Napangiti ako ng mabasa ko yung Chandara na nakasulat don.

Malapit na siyang bumalik ulit sa syudad at maghihintay nanaman ako...

Kailan naman kaya kami ulit magkikita? Ilang taon ulit?
Di ko maiwasang malungkot sa mga pinagi-iisip ko.

###

Baym!~ Friends daw hahahaha. Tapos may naguguluhan sa feels niya (×0×) btw. Kung may nagbabasa din dito ng 12 Gangsters and a Goddess mianhaeyo po dahil under editing yun pero mag-uud pa din ako^^ tapos yung sa Inside the Vampire's Castle tapos na yung draft pero kailangan pang iedit yun haha ayokong magsisi sa huli pag di ko nagustuhan yung ud ko. Sorry again kung ngayon lang yung update kasi naman yung pocket wifi namin nawala! Hinanap ko pa -_- kainis---OMG ang haba na pala sige babay!~

P.S Malapit na pong magtapos itong Forbidden twilight, mga 3 or 4 chapters nalang T.T or maybe not.

Forbidden Twilight Where stories live. Discover now