Bernadette's Pov:
"Hoy!"
"Hoy ka din!" Bulyaw ko kay Donna nang bigla nalang n'ya akong sigawan.
Nasa cafeteria kami ngayon at kumakain.
"Super tulala ka Bes, anong nangyari ba? Kanina kapa ganyan pagkatapos ng klase naten kay Mr. Dren. Don't tell me hanggang ngayon crush mo pa din sya?" Gulat na sabi n'ya at nagtakip pa ng kamay sa bibig.
"Shut up Donna," mahinang sabi ko.
Pinagmasdan ko s'ya. Maikli ang kulay blonde n'yang buhok at hanggang balikat lang iyon. Bilog ang mga mata at may malalantik na pilikmata. Hindi na din kailangan pang kortehan ang kanyang kilay, natural na iyong may korte. Manipis at mapula-pula ang labi. She's perfect. Huwag nga lang aatakehin ng pagka-wirdo.
"Alam kong maganda ako Bes, 'wag mo akong tingnan ng ganyan baka ma-tomboy ka."
Napailing na lang ako at nangalumbaba. Hindi talaga magandang ideya ang tingnan ang kaibigan kong ito.
"Ano bang problema, Bernadette? Para kang nakakita ng sampung aswang sa itsura mo. Kanina ka pa tulala, kahit sa klase," sabi pa ni Donna at umupo sa katabi kong upuan.
Tiningnan ko lang s'ya."Hindi ka ba kakain?" Mukha kasing wala s'yang planong kumain dahil wala s'yang dalang kahit anong pagkain.
"Nope, diet ako," proud pang sagot n'ya.
"Ewan ko sa'yo, bahala ka d'yang magutom," sabi ko na lang at tinapos na ang pagkain.
Nanatili naman s'yang nakapangalumbaba at nakatingin sa kawalan. Kunot noong tinitigan ko s'ya. There's something unusual kay Donna. Ngayon ko lang napansin pero may kakaiba sa kanya. Lagi na s'yang tulala at parang laging wala sa sarili.
Inayos ko na lang ang aking bag at tumayo pero parang napunta na naman sa kawalan ang aking kaibigan.
Hahawakan ko na sana ang kanyang balikat nang maramdaman ko ang paghangin ng malakas.
Napatingin ako sa paligid ngunit wala naman akong makitang may gawa niyon. At katulad kaninang umaga ay mukhang ako lang ang nakaramdam niyon. Ipinilig ko ang aking ulo at muling nilingon ko si Donna na tulala pa din.
"Donna, mauna na ako. May report pa ako. Kailangan kong mag-ready." Sabi ko at akma ko s'yang yuyugyugin nang mapansin ko ang maliit na hugis bilog sa may batok n'ya, sa ilalim ng kanang tainga n'ya.
Para iyong simbolo ng YinYang. Ngunit ang kaibahan lang ay may mas maliit na simbolo ng Yin at Yang sa bilog na iyon at baliktad ang kulay nito sa mas malaking YinYang.
Ngayon ko lang iyon nakita, sabagay ngayon ko lang naman nakita ang bahaging iyon ng batok ni Donna. Dahil na din siguro sa hangin kanina.
Bigla akong kinabahan sa naisip.
Hangin?"Don't touch me!" Halos mapaupo ako sa gulat nang tabigin ni Donna ang kamay ko.
Nang tingnan ko s'ya ay matalim na ang mga mata n'ya. At hindi ko maintindihan ngunit parang may mapusyaw na liwanag na lumalabas sa may batok n'ya. Para iyong nagwawalang kulay itim at puting liwanag. Parang pinipilit niyong lumabas.
"S-sorry Bes, magpapaalam lang sana ako," paghingi ko ng paumanhin pero ni hindi n'ya ako sinagot. Matalim pa din ang tingin n'ya bago padabog na tumayo at umalis. Ni hindi n'ya ako nilingon kahit na ng lumabas s'ya ng tuluyan sa cafeteria.
Nag-aalala man ay pinili ko na lang na huwag s'yang sundan. Baka may problema lang s'ya kaya lagi s'yang tulala nitong mga nakaraang araw.
Wala sa sariling napatingin ako sa pwesto kanina ni Donna at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makitang naroon padin ang magkahalong puti at itim.
BINABASA MO ANG
CHOSEN (Completed)
FantasíaBernadette was once a normal student of Saint Runes Academy until she found out that she's the Chosen Seed. She then realized the importance of her ability, being an Annihilator. Her ability made the Hollows chased her. The people of the past wants...