"Prinsesa paaLam na."
Unti-unti na siyang lumalayo sakin.
"Wag ethan"
Pagpigil ko sa kanya pero palayo na sya ng palayo.
"Paalam nami, mahal na mahal kita, ingatan mo sana yang sing-sing na tanda ng pagmamahal ko sayo."
"Wag, please ethan..."
Nagsimula nang magbagsakan ang mga luha mula sa mga mata ko tila nag-uunahan ito sa pagbagsak.
Sinubukan kung tumakbo para maabutan ko si ethan pero masyado na syang malayo mula sa kinaroroonan ko.
Biglang ng lambot ang mga tuhod ko napaupo ako sa lupang kaninang kinatatayuan ko habang unti-unting nawawala si ethan sa paningin ko.
Napayuko nalang ako at patuloy parin sa pag-iyak.
"ETHAN PLEASE WAG MO AKUNG IWAN WAAAAAAAAAAAGG !"
"Nami gising, nami..."
Naramdaman kung may umaalog sakin kaya napamulat ako, pag mulat ko nakita ko si tita anna.
Niyakap ko agad si tita anna.
"ti-tita iiwan n-nya a-ako."
"Shhhh, nami tahan na panaginip lang un, shhh walang mang-iiwan sayo, tahan na."
"t-tita s-si e-ethan..."
"Ha? Sinong etha------ nami san ka pupunta??"
Di ko pinakinggan si tita anna agad akung lumabas ng resthouse kahit na nakapantulog pa ako o nakapaa.
Di ko na alam kung saan na ba ako papunta basta napagtanto ko nalang na huminto ang mga paa ko sa tapat ng bahay ni ethan.
Binuksan ko agad ang pinto at agad na pumasok sa loob ng bahay.
"Ethan..."
Pumunta ako sa sala,
"Ethan..."
Kusina,
"Ethan..."
Kwarto,
"Ethan..."
Umagos nanamang muli ang mga luha sa mga mata ko dahil lahat ng pinuntahan ko wala si ethan,
a-asan kana ba ethan ??
Isa nalang ang di ko napupuntahan isang lugar kung saan parati ko syang kasama,
sa mini park.
Andito na ako sa mini park pero walang bakas na andito si ethan.
Umupo ako sa swing at napauko, kasabay ng pag-uko ko ay ang pag agos muli ng mga luha ko.
"Di lang isang panaginip un tama? dahil totoo un iniwan mo na ako.
DIBA SABI MO DI MO AKO IIWAN, AT DIBA AKO ANG PRINSESA MO, DAPAT DI INIIWAN NG PRISEPE ANG PRINSESA NYA, MADAYA KA ETHAN, NAKAKAINIS KA, SABI MO DI MO AKO HAHAYAANG UMIIYAK DI MO AKO HAHAYAANG MASAKTAN PERO ANUNG GINAGAWA PINAIYAK MO NA AKO, KUNG KILAN M-M-mahal na kita,
SAKA MO AKO INIWAN, BWESET KA ETHAN BWI-------"
Napatigil ako sa pagsigaw pero patuloy parin ang pag-agos ng mga luha ko.
Dahil may bagay na kumikinang sa kamay ko sa pala sing-singan ko, isang itong sing-sing ? O__________O
"Paalam nami, mahal na mahal kita, ingatan mo sana yang sing-sing na tanda ng pagmamahal ko sayo."
BINABASA MO ANG
I fall inlove in a ghost. (COMPLETED)
Short StoryMay pusibilidad bang mainlove ang isang tao sa isang ghost ? O May pusibilidad bang mainlove ang isa ghost sa isang tao ? Pwede kaya silang magmahalan ? Pano kung may mga nakaraang pala silang pangako ? Maaari pa ba itong matupad o hindi na ? Happy...