one

2.4K 36 0
                                    

( Mary Joy 's POV )


Tama sila, once you fall inlove kakayanin mo lahat, yung sakit, selos, sama ng loob, and also the truth na kahit ang sakit-sakit na, still mahal na mahal mo parin siya, because true love never surrenders, it always find a way to understand pain


Nandito ako sa soccer field ng school ngayon, kung saan masisilayan ko ulit si Louise, yung lalaking araw-araw ko nalang pinagmamasdan kahit nasa malayo ako


Hindi ko alam kung napapansin niya ako, pero may mga times na nagtatama ang mga mata namin, at sa tuwing mangyayari yun, halos lumundag ang puso ko sa saya


Matagal ko narin siyang sinusubaybayan, pero ayokong malaman niya, natatakot ako na baka dumating yung time na malaman niya, at iwasan niya ako, hanggang tingin na nga lang ako, mawawala pa


Wala din akong halos makausap, kasi yung mga classmates ko masyadong ano, alam niyo na yun, eh ayoko makibagay sakanila, kaya madalas akong mag isa


Natanaw ko na si Louise, mag isa siya at umupo sa lagi niyang tinatambayan, kaya lagi din akong nandito eh, para matanaw ko siya ng malapitan


Di siya ka-gwapuhan tulad ng iba, pero di ko alam kung bakit nagustuhan ko siya


Bigla siyang napatingin sa kinaroroonan ko, halos lumabas naman ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig, bigla niya akong ngunitian, oh my!!! he smiled at me, oo ako talaga, kasi lumingon ako sa paligid ko at wala namang ibang tao


Oh my gosh! napansin niya ko?! nginitian niya ako?! heaven!!! tumayo siya at naglakad papunta sa kinaroroonan ko, hala! papunta siya sakin?!!! anong gagawin ko? anong sasabihin ko?


" Hi "
bati niya


Ngumiti lang ako, tumalon na yata ang puso ko? teka nasaan na ba? kasi naman eh kinikilig talaga ako


" can I sit here? "


" huh? ah eh o-ok s-sige "


Ano ba?! bakit ako nauutal?! kainis naman eh! nakakahiya!


" ah i'm Louise "
sabay lahad ng kamay niya


" M-mary Joy "
at nagshake hands kami


Ang lambot ng kamay niya, oh my gosh parang may kuryenteng dumaloy sa kamay ko! mamamatay na yata ako! at yung boses niya, sounds like an Angel


" alam mo, lagi kitang nakikita dito, bakit lagi kang mag isa? "


" ha? ah w-wala akong kaibigan dito "


" bakit naman? "


" ah ano kasi, a-ayoko sa ugali nila, masaya na ako na mag isa "


" gusto mo samahan nalang kita? "


Napatingin ako sakanya, ano daw? samahan niya ako? totoo ba to? nangyayari naba talaga to? am I dreaming?


" hey are you ok? "


" ah o-oo naman "


" so ok lang sayo na samahan kita? wala din kasi akong kasama eh, tulad mo, ayoko din sa ugali ng iba, siguro magkakasundo tayo "


Yun na yung start ng pagiging magkaibigan namin, madalas na mag usap, magkita, magtawanan, at kulitan, kwentuhan about family, anyting about past


" Hi Joy, ano tara hanap na tayo ng date sa Valentine's, February 12 na oh, 2days nalang Valentine's na wala pa tayong date "
sabi sakin ni Louise habang nakaakbay


" hay naku Louise ikaw nalang, ayoko maghanap para lang may maka-date, tsaka isa pa, 16 year's na akong mag isa tuwing Valentine's "


" ikaw napaka-bitter mo "
sabay gulo sa buhok ko


Tinignan ko lang siya ng masama dahil sa ginawa niya, bakit pa kasi siya maghahanap ng date eh andito naman ako? wala akong date wala din siya, so ibig sabihin dapat kami nalang, ang manhid...


Bigla siyang napahinto, kaya napatingin ako sakanya, at nakita ko siyang nakatingin dun sa babaeng naglalakad mag isa, maganda, maputi, mahaba ang buhok, parang lahat na nasakanya


" Joy nakikita mo ba yan? si Jamaica? ang ganda noh? may date na kaya siya? "


" malay ko, itanong mo kaya? "


Bigla naman lumawak ang ngiti niya


" wait lang ah, lalapitan ko lang, mamaya kasi wala pa siyang date, sayang naman, ako nalang "


Pagkasabi niya nun dali-dali siyang tumayo at lumapit kay Jamaica, ang sakit! bakit di nalang ako ang yayain niya? bakit kailangan iba pa? andito naman ako :-(


Kasalukuyan na silang nag uusap ngayon, tuwang-tuwa naman si Louise, ano kayang pinag-uusapan nila? maya-maya lang din kumaway na si Louise kay Jamaica at naglakad na pabalik sakin, ang laki ng ngiti niya, siguro pumayag yun


Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit, sana ang pagyakap niyang yan, yung yakap na gusto niya din ako


" ano ba Louise, para kang tanga "


" sorry na carried away lang ako, alam mo ba pumayag siya?! may date na ko! oh ikaw nalang ang wala "


Dapat di niya nalang sinabi yun


" eh di mabuti para sayo "


" wag kang malungkot, makakahanap ka rin ng date mo "


Kung alam mo lang kung bakit ako malungkot


" sige una na ko, may gagawin pa ako sa bahay namin "


" oh tignan mo to, hahanapan pa nga kita ng date mo eh "


" tigilan mo na nga ako sa ganyan Louise di na nakakatuwa "


Pagkasabi ko nun tumayo na ko at naglakad palayo sakanya, hinabol niya ako at umakbay sakin


" tignan mo to pikon "


" tigilan mo na nga ako, dun kana sa Jamaica mo "


" look, alam mo, kung di lang kita bestfriend, aakalain kung nagseselos ka kay Jamaica "


Iniwas ko lang ang tingin ko, inalis ko yung kamay niya sa pagkakaakbay sakin, at tsaka ako dire-diretsong naglakad


Kainis! oo na nagseselos na ako, kasi naman eh, bakit ba kasi iba pa ang niyaya niya? andito lang naman ako naghihintay na alukin niya


To be continued...,

Mahal Na Mahal Kita Kahit Hindi Pwedeng Maging TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon