four

1K 16 0
                                    

30 minutes na kaming nakaupo dito at wala saamin ang nagsasalita, si Sam tahimik lang, habang ako, inuubos ang luha ko

First time kong magmahal, pero sobrang sakit ng dinulot nito sakin, ang sakit-sakit, sabi nila mahirap magmahal ng taong di ka gusto, pero nalaman ko, mas mahirap magmahal ng taong akala mo ikaw ang gusto.....

" Sam ok na ko "
I break the silence

" are you sure? pwede kang sumigaw dito, walang makakarinig sayo, ilabas mo lahat ng bigat niyan (he pointed my heart) kasi sobrang hirap kapag may mabigat kang dala-dala diyan "

" no, promise ok na talaga ako, iyak lang gumagaan na ang pakiramdam ko, di ko na kailangan sumigaw pa "

" ok sabi mo eh "

Naging tahimik na naman ang paligid, kaya naisip kong magtanong sakanya

" nasaktan kana ba? "

Napatingin siya sakin at ngumiti

" ngayon palang "

Ano daw? di ko gets

" huh? "

" wala, sabi ko ngayon palang ako nasaktan "
at ginulo niya ang buhok ko

" kanino? kaya ba wala kang date? "

Ngumiti siya at sumandal sa balikat ko, medyo komportable naman kaya ipinatong ko yung ulo ko sa balikat niya

" ngayon lang ako nasaktan, dahil sa isang magandang babae na ka-date ko, nakita ko kasi siyang umiyak at alam ko nasasaktan siya "
He said seriously

Di ako nagsalita, pero alam ko na ako ang tinutukoy niya, ngayon lang daw siya nasaktan? at dahil sakin? bakit? kasi naaawa siya

" alam ko iniisip mo kung bakit ako nasaktan dahil sayo, kasi naaawa ako? am I right? "

" kailan kapa naging mind reader? "

" di ako nakakabasa ng isip, sa pinakita mong katahimikan at ganyan ang awra ng mukha mo, alam kong may iniisip ka, tsaka isa pa, ayoko makabasa ng isip ng mga tao "

" bakit naman? sana ganun nalang ako, masaya kaya yun, malalaman mo kung ano iniisip nila "

" mali ka, kasi pag nababasa mo na ang isip nila, mababaliw ka lang, kaya wag mong hilingin na ganun ka, para ano? para malaman mo kung gusto ka rin ng isang tao? masakit man pag sinabi nila mismo, pero mas masakit yung malaman mo na hindi pa nila sinasabi, kasi aasa ka, tapos mababasa mo isip niya, masasaktan kalang, masakit ang katotohanan, pero kailangan tanggapin, kasi kahit pagbali-baliktarin natin ang mundo, ang katotohanan hindi magbabago "

Teka ang lalim ng hugot niya ah? san niya kaya nakuha yun? Sa isang tulad niya? di ko inexpect na sasabihin niya yun

Pero tama naman siya, masakit man ang katotohanan pero kailangan tanggapin, kasi mas masakit ang kasinungalingan

" bakit ka naman nasaktan? "

" ah? k-kasi ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak, lalo na pag maganda, kaya sa isang tulad mo, you don't deserved the guy like him, he doesn't deserved your tears, you deserved someone who loves you back "

Hinawakan niya yung chin ko, kaya inangat ko yung mukha ko, humarap siya sakin, ngayon magkalapit na ang mukha namin, nakatitig ako sa mata niya na seryoso din nakatingin sa mata ko

" alam ko ngayon lang tayo nagkakilala, pero nakilala ko agad ang pagkatao mo, mabait ka, at mapagmahal, pero ang taong minahal mo, hindi niya pansin ang tulad mo, Joy gusto pa kitang makilala, at gusto kong makilala mo rin ako, hayaan mo kong pumasok sa buhay mo "

After he said that, he started to kiss me, I kissed him back

Di ko alam pero ang halik na yun, first time ko, pero bakit di ko magawa na tumanggi sakanya?

Tumagal ang kiss namin ng halos 3minutes, na walang tumitigil saming dalawa

Biglang tumunog phone ko, dahilan para mapahinto kami, tumatawag si mama, tumayo ako at medyo lumayo kay Sam, saka ko sinagot yung tawag

" hello ma "

" Joy nasan ka? tumawag si Louise dito, nagtatanong kung nandito ka daw, sabi ko wala, hindi ba kayo magkasama? "

" ah eh may pinuntahan lang po kami ni Sam, pauwi narin po ako "

" ok sige mag ingat ha? wag sasama sa kung sino-sino lang "

" opo ma "

" ok sige, hinihintayin kita ah? bye "

Si mama na ang nag end ng tawag, tinignan ko ang oras, 10:43pm na pala

Parang na glue yung paa ko, ano? haharap paba ako kay Sam? nakakahiya yung nangyari! iisipin niya easy to get ako, bakit hindi nga ba? hindi naman ah...

Humarap ako sakanya pero nakayuko ako, ayoko siya tignan, ayoko siya makita, nahihiya ako sakanya

" a-ah Sam, u-una na ko "

Nakayuko parin ako, kaya di ko alam ang expression niya, pagkasabi ko nun nagsimula na akong maglakad, pero di pa ako nakaka-limang hakbang, may humawak sa kamay ko at pumigil, sino pa nga ba? si Sam

" Sorry "
His voice are broke

Alam kong umiiyak na siya, teka bakit ba siya umiiyak? diba dapat ako yun?

" I'm sorry too, di ko akalain na mapupunta sa ganun "

" Joy I like you "
Halos pabulong niyang sabi

" Sam, ngayon lang tayo nagkakilala, hindi mo dapat sabihin yan, nadala ka lang kanina, makakalimutan mo din yun "

" seryoso ako Joy, gusto kita, kung ayaw mong maniwala, patutunayan ko sayo, sana hayaan mo lang ako "

" kailangan ko ng umuwi, salamat "

Sakto naman may padaan na taxi, pinara ko yun at sumakay na akong mag isa, iniwan ko na si Sam, may kasunod naman yung taxi, alam ko dun nalang siya sasakay

Habang nasa taxi ako, di ko mapigilan ang maiyak, di dahil sa kiss namin ni Sam, kundi dahil kay Louise, sobrang sakit parin

To be continued...

Mahal Na Mahal Kita Kahit Hindi Pwedeng Maging TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon