thirteen

1.3K 25 19
                                    

Ilang araw na ang lumipas mula ng mag usap kami ni Louise, ilang araw palang ang nakakalipas nang aminin niya sakin ang lahat, at ilang araw na din akong madalas natutulala, buti nalang hindi kami nagkakasama ni Sam, hindi niya alam ang mga nangyayari sakin, hindi ko na alam ang nangyayari sakin, kahit sarili ko hindi ko na maintindihan, bakit ba kasi ako nagkakaganito? gayong engaged na kami ni Sam, siya na yung mahal ko eh, siya na at hindi na si Louise, pero bakit ganito? naguguluhan ako, diba dapat kapag sigurado na ako hindi dapat ako maguluhan ...

Saturday ngayon, day off namin ni Sam bukas, kaya magkakasama at magkikita na naman kami, may birthday party pa pala kaming pupuntahan bukas, birthday ng inaanak namin ni Sam, ano kaya ang magandang gift ???

Dahil sabado naman ngayon, at half day lang ako, pinili ko nalang na pumunta sa mall para maghanap ng pwedeng iregalo sa inaanak namin, mag isa lang ako, kasi busy pa si Sam, mamayang gabi pa siya pupunta sa apartment ko, sa paglalakad ko nahagip ng mata ko yung batang umiiyak na mag isa, I think nawawala siya kaya nilapitan ko

" Hi little boy, why are you crying? "

" i-m l-lost, y-you know w-where is my t-tito? "
he said while still crying

Tama nga ako, nawawala nga siya, ang cute niya pa naman, teka paano ko ba hahanapin yung tito nito?

" h-hindi eh, pero di bale, halika come with me, hahanapin natin yung tito mo "

Hinawakan ko sa kamay yung batang lalaki at lumingon-lingon ako sa paligid, kailangan ka siyang madala sa lost & found, para pag may naghanap sakanya, dun nalang siya puntahan

" I want that "
sabi nung bata, napatingin ako sa tinuturo niya, ice cream lang pala

" ok I'll buy for you "

Lumapit kami at bumili ng ice cream, tumigil na siya sa pag iyak, umupo muna kami sa tapat ng ice cream vendor

Ang saya pagmasdan ng batang to, parang hindi nawawala, masaya siyang kumakain, ganito din kaya ako pag nagkaroon kami ng anak ni Sam?

" titooo! "
masiglang sigaw nitong bata na nakatingin sa likuran ko

" Jaycee! oh thank god I found you! "

Sandaling huminto ang mundo ko, yung boses na yun, sobrang familiar, kilalang-kilala ko siya, parang ayokong lumingon, ayokong makita niya ako, pero anong magagawa ko? nasa likod ko na siya

Napatayo agad ako at humarap sakanya, ganun nalang ang pagkagulat niya nang makita ako

" j-joy w-what are doing here? "
kailangan ba talaga mauutal siya?

" I saw him crying, he said that he's lost, dadalhin ko na sana siya sa lost & found para kung sakaling may maghanap sakanya, makikita siya agad, nag-stop kami dito dahil gusto niya daw ng ice cream, kaya ibinili ko siya "
hindi ko alam pero tuloy-tuloy lang ako sa pagpapaliwanag sakanya

" o-ok, thank you Joy, dahil sayo nahanap ko siya, paano nalang kung ibang tao ang nakakita sakanya? maraming salamat "

Lumapit siya sa bata at umupo para magkasing pantay sila

" hey Jaycee, are you ok? "

" yes tito I'm very ok, she's kind to me, and look she buy me this! "
sabay taas ng ice cream

Bahagyang natawa si Louise sa sinabi ng bata

" ah s-sige mauna na ko, may kailangan pa kasi akong bilhin eh "

Mahal Na Mahal Kita Kahit Hindi Pwedeng Maging TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon