fourteen

167 2 0
                                    

Habang nasa kotse ako, diko maiwasang mapaisip, ano bang ginawa ko? alam ko nasasaktan ko si Sam ngayon

Hindi kami magkasabay sa sasakyan dahil may sarili din sya, buti nalang talaga hindi kami magkasama sa iisang sasakyan, dahil hindi ko alam kung anong mga sasabihin ko sakanya kung bakit kami magkasama ni Louise at kung bakit niyakap nya ako, pero teka! bakit ba ako naguguluhan? bakit ako natataranta? eh di aaminin ko ang totoo, na accident lang na nagkita kami then...then... arrrgh! bakit ba nangyayari sakin to?!

Halos 30minutes din ang byahe namin, nauna na si Sam na nagpark ng kotse nya at sumunod ako, nakatayo sya at hinihintay ako paakyat ng appartment, nakayuko akong naglakad palapit sakanya, ayoko kasing makita ang mukha nya na nasasaktan

Paglapit ko sakanya, hinawakan nya lang ang right hand ko at ngumiti na parang walang nangyari, na parang wala syang nakita, nagpatuloy na kami sa pag akyat

Pagdating namin sa loob, umupo lang siya at nagbukas ng tv, napatingin ako sa wrist watch ko, 9:25pm na, lumapit ako kay Sam

"ahmmm S-sam, kumain kana ba? magluluto ako, anong gusto mong kainin?"

Tumingin siya sakin at ngumiti

"no need, kumain na ko, ikaw nag dinner kana ba?"

"t-tapos na"

"ah ok, lets go? tulog na tayo?"
tanong nya

"ah S-sam, y-yung nakita mo k-kanina, let me explain"

"you dont need to explain, its ok, so lets go?"

Tumango lang ako sakanya, umakbay sya sakin habang papasok kami ng kwarto

Parang may mali, bakit parang wala lang kay Sam yung nakita nya? bakit di nya man lang ako hinayaan na mag explain? akala ko magagalit sya sa nakita nya, akala ko magtatampo sya sakin, akala ko magseselos sya, akala ko lang pala yun, pero alam ko may iba kay Sam, sa ilang taon naming magkasama, alam ko hindi sya ganito...

Kinabukasan

Maaga akong nagising, siguro dahil narin sa di ako nakatulog ng maayos magdamag, bakit? sa kaiisip sa nangyari kagabi, kaiisip sa mga nangyari sa mall hindi sa kilos ni Sam, bakit ba si Louise parin ang naiisip ko? diba dapat si Sam? kasi alam ko nasaktan sya sa nakita nya?

Biglang yumakap sakin si Sam sakin at hinalikan ako sa pisngi

"good morning my life"
nakangiti nya sabi

"bakit my life?"
takang tanong ko

"kasi you are my life, and I can't live without you"

"hmmm I am too"

Napaupo sya at napatingin sa phone nya

"may birthday party pala tayong pupuntahan today"
paalala nya

"oo meron nga, birthday ngayon ng inaanak natin na si Ceejay"

Pareho na kaming bumangon, ako na ang nag prepare ng breakfast namin habang si Sam, nauna ng maligo, after namin mag-almusal, ako naman ang naligo at nag-ayos, after a while.. ready na kami

Isang sasakyan nalang ang ginamit namin papunta sa bahay ng inaanak namin, pagdating namin, sakto pasimula na ng party, si Sam na ang may dala nung malaking white teady bear na binili ko kagabi, nang makapasok kami, sumalubong agad samin ang inaanak namin na si Ceejay, binigay na ni Sam yung gift namin at tuwang-tuwa sya

"hello Joy and Sam, i'm so glad nakapunta kayo"
sabi ng mommy ni Ceejay

"pumunta talaga kami dahil pareho naman naming day off ni Sam, tsaka isa pa, di talaga namin makakalimutan tong baby Ceejay na to"
sabay pisil ko sa pisngi ni Ceejay

"yehey! you know what ninang, my cousin is here too, wait I will call him para makilala mo din sya"
tumakbo sya at umalis

"Joy, Sam, come on lets join us inside, magsisimula na ang party ni Ceejay"

Tumango lang kami at sumunod na sa loob

Umupo kami ni Sam sa isang bakanteng table na may apat na upuan, maya-maya lang lumapit sakin si Ceejay na may kasamang isa pang batang lalaki na napaka-familiar sakin

"ninong Sam and ninang Joy, this is my cousin Jaycee"

"tita Joy!"
sigaw ni Jaycee at niyakap ako

Napatingin ako kay Sam at Ceejay na parehong nagtataka

"you're here din po?"
sabi ni Jaycee

"wait Jaycee, kilala mo ang ninang Joy ko? why you call her tita"
tanong ni Ceejay kay Jaycee

"yeah I know her just last night with tito Louise"

Napatingin agad ako kay Sam, hindi sya nagsasalita, pero walang kahit anong emosyon sa mukha nya, ano bang meron sayo Sam? bakit napaka tahimik mo lately? anong nangyayari?

"saan mo sya nakilala?"
tanong nanaman ni Ceejay kay Jaycee

Bakit ba ang kulit ng dalawang to? bakit dito pa nag usap sa harapan namin ni Sam?

"sa mall, kasi i'm lost with tito Louise, then tita Joy help me to find tito Louise, then after we met, nagplay kami sa Tom's World, sumakay ng rides, and kumain, sobrang saya namin with tito Louise, kami pa nga ang bumili ng big teady bear na yan eh, i dont know na para sayo pala yan, tita Joy and tito Louise are so sweet, bagay nga sila eh"
pang-aasar pa ni Jaycee sakin

Napatingin nanaman ako kay Sam, and this time nakangiti sya habang nag-uusap ang dalawang bata sa harapan namin, may mali talaga kay Sam, fake ang smile nya, bakit? bakit kasi hindi nya ako hinayaan na magpaliwanag kagabi? ngayon tuloy alam ko nasasaktan sya sa mga kinuwento ni Jaycee

Nagpatuloy lang sa pag uusap ang dalawa sa harap namin, maya-maya lang may tumawag na kay Jaycee

"Hey Jaycee"

* dug dug dug *

Isang napaka familiar na boses

"tito Louise! look tita Joy is here"

Napatingin sakin si Louise na halatang nagulat nang makita ako, bakit parang di ako makagalaw sa kinauupuan ko? parang may kung ano sa loob ng dibdib ko na di ko maipaliwanag, ano ba tong nangyayari sakin? bakit ganito? napaka mapaglaro ng tadhana, napatingin din sya kay Sam na ngayon ay halatang gulat nang makita nya si Louise...

To be continued...

*author's note
sobrang sorry po talaga sa mga readers, sobrang tagal kong hindi to na-update, almost a year din, naging busy po kasi ako sa pag aalaga ng baby ko, but i will promise na sana before 2019 end matapos ko na tong story na to, then isusunod ko na din yung ibang story ko na na-stock up, maraming salamat :)

just keep reading, voting, and leave some comments... thanks..

---> Jeordeliza Cadag <---

Mahal Na Mahal Kita Kahit Hindi Pwedeng Maging TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon