Ligaya

474 4 5
                                    

Sa tuwing ikaw ay makikita,
Ako'y may nararamdaman na saya,
Hindi mo man nakikita,
Basta't ako ay iyong napapasaya.

Minamahal kita sa malayo,
Kahat alam kong ako'y mabibigo,
May pagasa parin ako,
Sa tuwing ika'y makausap ko.

Alam kong umaasa lang ako,
Pero libre naman mangarap,
Susulitin ko na,
Hanggat nandiyan ka pa.

Sa tuwing ako'y pipikit,
Ikaw ang aking nakikita,
Kahit sa panaginip man lang,
Ako'y iyong nakausap.

Masaya na ako,
Basta't ikaw ang kasama ko,
Kahit magkaibigin lang tayo,
Tatanggapin ko.

Salamat sa saya,
Na iyong pinadadama,
At balang araw,
Alam kong ako'y iyong makakasama.

Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon