Isa akong magandang nilalang
Magandang nilalang na ikinalulungkot kong sabihin na sinayang niya lang.
Hindi sa ipinagmamalaki kong maganda ako
Pero ang tulang ito, ay pruweba na kahit maganda ka, iiwanan ka pa rin niya.Noong nakaraang gabi lang ay umamin ako sa kanya
Umasa akong saakin ay may nararamdaman siya
Kasi tinatrato niya ako na hindi katulad sa pagtrato niya sa iba, tinatrato niya ako na para bang isang prinsesa
Ngunit habang tinatrato niya ako na prinsesa, may iba pala siyang tinatrato na parang reyna.May halaga ako sa kanya, sinabi niya sa akin yun na hindi na kailangang mag-isip pa,
Pero alam niyo kung ano yung masakit?
Yung sabihin niya na...
"Oo may halaga ka, pero sana maintindihan mo na para saakin mas may halaga siya."Hindi niya sinabi kung sino siya,
Wala siyang sinabi kung malapit ako sa taong mahal niya
Pero yung sinabi niya lang,
Siya daw ang pinaka perpektong tao na nasilayan ng kanyang mga mataDoon ko na nasigurado na,
Hindi pa pala sapat tong tinataglay kong ganda
Na kahit sobrang ganda ko na, na kahit ipagpilitan ko yung sarili ko para mahalin lang niya,
Ako'y iniwanan parin niya.Nasabi niya na rin saakin na,
Saakin ay nagagandahan siya pero sadyang hindi ako yung itinitibok ng puso niya
Ibinalewala ko yun nung una,
Pero ngayon na nilinaw niya na, nilinaw niya na, na kahit ganito ako kaganda, hinding hindi niya ako mamahalin kasi hindi ako, siya.At eto ang patunay na,
Kahit ikaw pa ang pinakamagandang nilalang,
Pag hindi ikaw yung itinitibok ng puso
Ang taong mahal niya parin ang mas lalamang, at hindi ikaw na isang napakagandang nilalang.
BINABASA MO ANG
Para Sayo
PoetryTula Please respect the author and don't use them for other purposes. Only for reading Thank You!