Fangirl

191 1 0
                                    

Special na tula para sa akin(?) Lahat ng nakasulat dito ay puro katotokanan lamang ng pagiging 'fangirl' ko. Sakitnu?😂 Hahaha dedicated to sa lahat ng nakakarelate sa akin😢😂
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Alam kong alam mo na mahal kita
Pero hindi bilang ako,
Kundi,
Bilang isang tagahanga.

Masakit tanggapin na hindi mo ako kilala,
Lalo na't mahal na mahal kita,
Di ko alam ang gagawin ko,
Dahil talagang ikaw ang nilalaman ng puso ko.

Alam ko naman na wala akong pag-asa sayo,
Wala nga akong pera para makapunta sa concert niyo,
O kahit nga makabili manlang ng merchandise niyo,
Mahirap lang kasi ako.

Langit ka lupa ako,
Parehas tayong tao,
Pero magkaiba tayo ng ginagalawang mundo,
Masakit pero tatanggapin ko.

Wala naman akong magagawa kung hindi talaga ako ang nararapat sayo,
Sino nga ba naman ako para mahalin mo?
Isa lang ako sa maraming fangirl,
Na nagmamahal sayo.

Salamat na lang sa pagpapangiti sa akin,
Wag kang magalala,
Kahit di mo ako kilala,
Mananatili ako na iyong tagahanga.

Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon