INANGAT ni Hyacinth ang ulo kay Dave na nakangiti sa kanya. "I love you babe, alam mo ba na ako na ang pinaka-masaya at masuwerteng lalake sa buong mundo?" Nagagalak na ani Dave. Nakakapit ang isang kamay nito sa baywang niya.
Kasalukuyan silang nakatayo sa balcony ng bahay ng mga Mateo.
She smiled at him. Umusog siya ng kaunti palayo dito upang makasagap ng hangin. Tila kasi siya kinakapos ng hininga. "Ganito ba ang ikakasal?" Inosente niyang tanong.
Ginagap ni Dave ang kamay niya at dinala sa labi. Hinila siya nito sa rattan chair pagkatapos ay kinandong. Naging sapat iyon upang masagot ang tanong ni Hyacinth.
He then kissed Hyacinth's forehead pababa sa mata, patungo sa tungki ng ilong niya. Idinikit nito ang noo sa noo ng dalaga. Akmang hahalikan siya ni Dave sa labi nang tumunog ang cellphone nito.
Nagmamadali na dinukot ni Dave mula sa bulsa ng pantalon ang nagri-ring na aparato. "Excuse me babe, pasensiya ka na ha? Saglit lang ako,"
"Babe, pwede mo naman kausapin iyan dito." Protesta ni Hyacinth na napilitang tumayo.
"Sandali lang ito babe." Hindi nakinig na lumayo ng bahagya si Dave. Tinapunan siya nito ng tingin at ngumiti.
Isang flying kiss ang iginanti dito ng dalaga pagkatapos ay tinungo ang naka-hang na flower pot ng makukulay na Cosmos, nilalaro sa palad ang matitingkad na bulaklak.
Halos sampung minuto rin ang itinagal niya sa terrace upang maghintay kay Dave.
''Sino 'yun babe? Ang tagal mo kasing nakipag-usap." Tanong niya nang makalapit ang nobyo. Niyakap siya nito mula sa likuran at hinalikan sa batok. Napaigtad si Hyacinth at umikot upang harapin si Dave. Tinaasan niya ito ng kilay.
"Si Mama 'yun, nagtatanong kung matutuloy ba ang honeymoon natin sa Korea pero ang sabi ko ay sa England ang gusto mo."
"H-hindi mo man lang siya pinakausap sa'kin," himig pagtatampo niya.
"Heto namang babe ko, nagtatampo agad. Makaka-tsismisan mo rin ng mas matagal ang magiging biyanan mo kapag nakasal na tayo." Pilit siya nitong kinukumbinsi.
"E, akala ko kasi nagkausap na kayo kahapon?"
"H-hindi ko nabanggit na nagbago ang plano para sa honeymoon." Binitiwan siya ni Dave at inakbayan.
Sabay silang naglakad patungo sa loob ng bahay.
"Saka kilala mo naman si Mama 'di ba? Paulit-ulit mong sasagutin ang itinatanong pabalik-balik parin sa katanungan." Muling paliwanag ni Dave.
Nakauunawang tumango na lamang si Hyacith. "I see,"
At hindi na muling umimik. Buo ang tiwala niya sa magiging kabiyak.
Hatinggabi na ng magpaalam si Dave sa pamilya ni Hyacinth. Kanina pa napapansin ni Hyacinth ang hindi mapakaling fiancé.
Bumaling ito sa kanya. "Kailangan ko ng umalis babe," pamamaalam nito.
"Ihahatid na kita sa labas,"
Hinatid nga niya ito at hinintay hanggang sa makaangkas sa kotse. Idinukwang ni Dave ang ulo sa bintana para halikan siya sa labi.
Ngunit hindi niya maipaliwanag kung bahagi pa ba ng kaba niya ang nararamdaman na kakaiba kay Dave. Biglang natanggal ang sigla nito kanina.
"Mag-iingat ka sa pagmamaneho." Pilit siyang ngumiti kasabay ng pagkaway sa papalayong sasakyan.
Bumalik si Hyacinth sa balkonahe at sandaling tumambay doon nang mahagip ng mga mata ang cellphone ni Dave na nakapatong sa hanging table.
Dali-dali niya itong dinampot at patakbong lumabas ng gate. Nagbabakasakali siyang balikan 'yun ng nobyo.
BINABASA MO ANG
SAVING THE LAST KISS BY: RAIN SEVILLA
RomanceDahil sa nabunyag na lihim ay iniwan ni Hyacinth ang kasintahan sa mismong araw ng kanilang kasal. At sa pagnanais ng mga magulang na makaiwas siya sa intriga ay pansamantala siyang tumira sa poder ng kanyang abuelo sa Laguna. Makakabangga niya si E...