CHAPTER 18:

644 21 0
                                    



SIX MONTHS LATER

The sun was salmon and hazy, the kiwis are flying so high as mountain, and the trees are dancing with the whistle of the wind.

Isa-isa 'yon na kinuhanan ni Hyacinth. Nang makaramdam ng pangangalay, bumalik siyang umupo sa folding mat sa gitna ng malawak na bermuda grass.

Sa photography niya ginugol ang panahon sa pagnanais na kahit papaano'y makaligtaan niya ang sunud-sunod na pasakit at kabiguan sa kanyang buhay pag-ibig at para na rin sanayin ang sariling walang ibang isipin lalo na kung tungkol kay Eros, ang lalaking nagmamay-ari lamang ng puso't katawan niya at ang ama ng batang dinadala niya.

Napangiti si Hyacinth nang maalala ang bunga ng naging panandaliang relasyon nila. Masuyo niyang hinaplos ang anim na buwan ng tiyan saka dinama ang bawat galaw ng bata sa sinapupunan niya.

Naisip niya na sa kabilang banda, masarap pala ang maging buntis.

Natigil sa malalim na pagmumuni-muni si Hyacinth nang dumating at lapitan siya ni Diana.

"Oh, napagod ang preggy. Hapon na kaya kailangan na ninyong pumasok ni baby. Naihanda ko na ang early dinner mo at baka pati si baby ay napapagod at nagugutom na rin."

Tumawa siya sa sinabi ni Diana. Makaraan siya nitong tulungan ay nakarating siya sa Toronto na nanatiling naging lihim sa kanyang pamilya ang bagay na 'yon.

"Sira ka talaga. Hindi pa nga lumalabas ang anak ko gusto mo na agad kumain." Ganting biro niya.

Tumanggi siya kay Diana sa akmang pagtulong sana nito sa kanya para makatayo pero mabilis din siyang napahawak sa kaibigan nang inatake siya bigla ng muscle cramps. Napangiwi siya sa sakit.

"Relax, ikukuha lang kita ng pickle juice. Huwag kang gagalaw." Natatarantang tumakbo sa loob ng bahay si Diana.

Limang segundo na hindi huminga si Hyacinth pagkatapos ay pinakalma ang sarili. Naging mabilis din ang kilos ni Diana na nakabalik kaagad.

Inalalayan siya nitong maglakad. "Dahan-dahan ka lang sa paghakbang. Masakit pa ba ang binti mo?"

"Medyo masakit pa pero mawawala din 'to maya-maya. S-salamat, Diana ha? Malaki na ang utang na loob ko sa'yo."

"Naku, kung 'yan ang iisipin mo baka hindi ka na makakabayad." Tumatawa nitong sabi.

"Ikaw talaga. Napakaswerte ni kuya sa'yo."

"Sinabi mo pa. Anyway, natawagan ko na ang kaibigan kong doktor. Nag-request na rin ako ng appointment para sa ultra sound test mo."

"Bakit kasi kailangan pa nating malaman ang kasarian ng bata. Mas exciting nga iyong surprise."

"Pumayag ka na. Atleast may ideya tayo sa pamimili ng mga gamit niya."

Napatingala siya sa kalawakan. Dumidilim na ang kapaligiran.

"Sige sasamahan mo naman ako kaya pumapayag na ako."

"That's a good idea. Pati ako sobrang excited na."

"Ako rin pero may three months pa tayong hihintayin." Nakangiting tugon niya.

Nagkatawanan na lamang sila. Kaybilis gumaan ng pakiramdam ni Hyacinth dito kaya naman kahit anong sabihin nito hinggil sa ipinagbubuntis niya'y nakikinig siya.

"Sino kayang kamukha niyan?" Pag-iiba nito ng usapan na siya ring pagbabago ng anyo ni Hyacinth.

"I'm sure ikaw maliban na lang kung may pinaglihian kang artista." Dagdag nito na idinaan sa pagbibiro.

SAVING THE LAST KISS BY: RAIN SEVILLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon