KUNG bibilangin ni Hyacinth ang pagkakataong pinag-isa sila ni Eros ng panahon, ito na marahil ang pinaka-masayang sandali para sa kanya.
The hour of the night was silent and peaceful. The moonlight gazing at them while cuddling each other. And the golden stars twinkling towards them as they exchanging to take their breath away.
Umayon sa kanila ang katahimikan ng gabi. Maging ang lamig ng simoy ng hangin habang nasa backya hammock silang magkatabi, komportableng nakaunan si Hyacinth sa bisig ni Eros.
Dinig niya ang malakas na pintig ng puso ng binata, ang mainit nitong hininga na nagpapatindig ng mga balahibo niya sa katawan. There's no words can define how much she's glad being with this man tonight.
Kakaiba!
Parang addictive na droga.
Oo, aaminin niya sa sariling nalulong siya sa amoy ni Eros, sa mga ngiti nito at sa mga halik nitong madalas na nagpapawala sa kanyang katinuan.
Hyacinth broke the silence first. "Hindi mo pa nababanggit sa'kin kung kaninong bahay ito," the silence between them made her uncomfortable.
"Gusto mo ba talagang malaman?"
"Magtatanong pa ba ako kung hindi? Syempre gusto kong malaman. Mamaya niyan mapagkamalan pa tayong akyat-bahay." Pilosopo niyang balik-tanong na idinaan pa sa biro ang ibang sinabi.
Natawa ng mahina si Eros sa imposibleng sinabi Hyacinth na kasabay niyon ay ang mahinang pagpisil sa braso niyang yakap nito.
"Saka bakit tayo nandito?" Dala ng kuryusidad na dagdag tanong niya kasabay ng pag-angat ng kanyang mukha dito. Sa pagtatama ng kanilang mga paningin, napako ang tingin ni Hyacinth sa nakangiting mga mata ni Eros. Pero mabilis din itong naging seryoso.
"Para ito sa babaeng pinangarap kong makasama at maging katuwang habambuhay. At kung gusto mong malaman kung bakit kita dinala dito--"
Bigla itong huminto, tumingin sa ere na tila naroon ang idudugtong nito sa sasabihin.
Kanina pa nga naman tinatanong ni Eros ang sarili kung bakit sila naririto ngayon ngunit wala siyang maisagot sa sariling katanungan.
Ang tanging alam niya'y hindi na gaya ng dati na normal ang takbo ng buhay niya. Bigla itong tila maraming kulang, at hindi na ganoon kakumpleto ang araw niya kung wala ang babaeng ito, hindi siya masaya kapag hindi ito nasisilayan sa bawat segundong dumaan.
"Hindi mo naman kailangang sagutin iyon." Tinapik niya ng mahina ang pisngi ni Eros dahilan upang mabaling muli ang tingin nito sa kanya.
"Malamang tama ka, hindi ko nga rin alam."
Nakakaunawang tumango siya. "I see," maikli niyang sabi.
Nakadama ng pagkadismaya ang dalaga. Ano nga ba naman ang inaasam niya? Ang mahalin siya pabalik nito ay tila napaka-imposible pero nagpapakatanga pa rin siya.
Nagpapadala sa sigaw ng damdamin na kahit alam niyang hindi sila magkatugma ng nararamdaman, nahulog na ng tuluyan ang loob niya sa binata, iyon ang katotohanan na tanging sigurado siya.
"M-masaya akong kasama ka. Komportable akong nasa tabi kita. Ewan ba Hyacinth pero gusto kong nandito ka lang lagi sa malapit."
Sa uri ng mga titig nito, para bang gusto ng tumalon ni Hyacinth. Sa kabila ng walang pormal na paliwanag mula dito, para bang nakuha niya ang fulfillment at kasagutan.
"Paano si Jasmine?" Mula sa kawalan ay naitanong niya.
Kumunot ang noo ni Eros. "Iniisip mo ba na may namamagitan sa amin ng pinsan mo?" Nakuha nito kaagad ang ibig sabihin ng tanong niya.
BINABASA MO ANG
SAVING THE LAST KISS BY: RAIN SEVILLA
RomanceDahil sa nabunyag na lihim ay iniwan ni Hyacinth ang kasintahan sa mismong araw ng kanilang kasal. At sa pagnanais ng mga magulang na makaiwas siya sa intriga ay pansamantala siyang tumira sa poder ng kanyang abuelo sa Laguna. Makakabangga niya si E...