CHAPTER 7:

536 24 0
                                    

INALIS ni Hyacinth sa isip si Dave at ang babaeng nakita niya sa larawan. Pero hindi niya naalis ang panlalamig at panlalambot ng mga tuhod.

Pilit niyang isinasaksak sa isip na imposible ang mga nangyayari dahil tiyak siyang hindi 'yun ang babaeng kasama nito, nakuhanan ito nang nakatagilid kaya imposible.

Nabaling ang tingin ng babae sa kanya, ng nakangiti. Kumurap si Hyacinth nang maramdaman ang paggalaw ni Eros.

Ginagap ni Eros ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa siko nito pagkatapos ay hinila palapit sa babae at ipinakilala.

"S-si Señorita Hyacinth, apo ni Señor Fortun." Pagkatapos siya nitong i-introduce ay bumaling ito sa babae.

"Si Shellane, kapatid ko."

Sinulyapan niya si Eros. Casual na ngumiti. "Hindi ko alam na may kapatid ka."

Inabot niya ang pakikipagkamay sa kanya ni Shellane. "Salamat sa pagpunta ni'yo dito. Maupo ka muna Señorita."

Pinigil ni Hyacinth ang aktong pagtayo sana ni Shellane. "H-hindi. Hindi na kailangan. Halatang kulang ka sa tulog kaya dapat nagpapahinga ka rin kahit papaano."

Sa likod ng matamlay nitong mga mata at namumutlang anyo ay nagawa pa rin nitong ngumiti nang walang kiyeme.

"Salamat pero ayos lang ako. Hindi ko kasi maiwan-iwan si Mikai. Maliban sa walang nagbabantay, may trabaho sina kuya at Jasmine kaya hindi ko sila makumbida pero nagpapasalamat ako dahil dumating kayo. Hindi ko 'to inaasahan at siguradong matutuwa si Mikai 'pag nakita niya kayo." Bumaling ito sa batang nakahiga.

Wala man siyang ideya at kaalaman sa mga nagaganap ay hindi niya maiwasan ang makaramdam dito ng awa.

Nang magpaalam si Shellane na pupunta nang comfort room at mapag-isa sila ni Eros ay nagkaroon siya ng pagkakataon na magtanong dito.

"Nasaan ang t-tatay ng bata?"

Hindi kaagad sumagot si Eros. Bahagayang binaluktot nito ang katawan. Pinagdaop ang mga palad at nilaro-laro ang hintuturo.

Nakaramdam si Hyacinth ng awkwardness sa pagitan nila. "Cool, ok lang na huwag mong sagutin. It's not necessarily a big deal."

Tumuwid nang upo si Eros kasabay nang paglinga sa kanya.

"Wala ng ama si Mikai,"

"Sorry to hear that. Kailan pa namatay ang tatay niya?" Nakahinga siya ng kaunti ngunit hindi siya ganoon ka-kumpiyansa. Patuloy pa rin sa pagtatahip ang dibdib niya.

Humihiling siya nang palihim na sana'y hindi si Dave ang ama nito.

He grinned his teeth. "Hindi patay ang gagong lalaki na 'yun. Buhay na buhay siya."

Nakita ni Hyacinth ang pagkuyom nito ng kamao. Na para bang nagtanim ito ng napakalaking galit sa ama ni Mikai.

Pinukulan nito si Hyacinth nang hindi maipaliwanag na tingin. Dama niya ang panunuot nang tingin na 'yun ni Eros sa buo niyang kalamnan. Na para bang maging sa kanya ay may poot itong nararamdaman.

"W-what exactly do you mean?"

"Tama ang narinig mo," kumalma ang tinig nito.

"Iniwan sila ng lalaking 'yun para lang sumama sa iba."

"Paano mo nalaman na may ibang babae si Da-," Natuon ang tingin niya sa bata. "I mean 'yung ama ni Mikai?"

Tumayo si Eros at umupo sa paanan ni Mikai. "Nasaksihan ko ang hirap at pasakit ng kapatid ko. 'Yung maliligayang araw na kasama niya ang lalaki na 'yun, saksi ako sa relasyon nila pero simula ng malaman niyang may sakit ang bata," tila kinapos ito ng hininga at biglang napahinto sa pagsasalita.

SAVING THE LAST KISS BY: RAIN SEVILLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon