NAGING daily routine ni Hyacinth ang gumising nang maaga. Unang-una ay dahil sa tilaok ng mga manok na kahit malayo ang distansya ay parang nag-eecho 'yun sa buong kabukiran. Pangalawa ay sa unti-unting pagsasanay niya sa sariling makalimutan si Dave. Sa pagsasanay niyang magkaroon siya ng mabilisang recovery habang nasa probinsiya siya.
Sa hardin ay naisip niyang mamitas ng bulaklak. Total ay wala naman doon si Eros, may tsansa siyang makapili ng sari-saring bulaklak na pwede niyang pamalit sa tulips na nasa kwarto niya.
Pakanta-kanta si Hyacinth habang inaamoy ang bawat pinuputol na tangkay ng rosas. Nakatulong ng malaki sa kanya ang panibago niyang kapaligiran. At sa halip na magkulong o magmukmok at umiyak ay inaabala niya ang sarili sa mga gawain sa flower farm.
At sa poultry.
ONE MONTH LATER
"May gagawin ka ba mamaya, Señorita?"
Kung hindi lamang dala nang nakasanayan na niya ang pamilyar na boses na 'yun ay baka nabitiwan at nabasag na ang hawak niyang flower vase.
She turned her back abruptly, confused. Then she pointed her chest by her index finger. Sa hindi siya sigurado kung siya ba talaga ang kinakausap ni Eros.
May bitbit itong dalawang bamboo fibre na mug.
"P-pasensiya ka na kung nagulat man kita."
"No worries. Ako ba ang tinatanong mo kung may gagawin ako?"
"Oo, ikaw nga. Pero mukhang busy ka naman pala."
Maagap niya itong sinalungat. "H-hindi. I mean hindi ako busy. Bakit mo naitanong?" Peke siyang ngumiti, bumaling muli siya sa ginagawang paglalagay ng mga rosas sa plorera.
"Pupunta ako ng bayan mamaya. Ok lang ba na samahan mo ako?"
She raised her eyebrow. Only to found na seryoso si Eros.
"How about Jasmine? Bakit hindi siya ang isama mo?" She said, trying to be sounds annoying.
He moved melancholy. Nang mapatapat ito sa kanya ay eksaktong tapos na rin siya sa ginagawa.
Pinakawalan niya ang flower vase nang may sari-saring bulaklak.
"B-bakit hindi na lang ikaw? Kaya nga sa'yo ako lumapit 'di ba kasi ikaw 'yung expert sa mga gamot ng hayop."
"Para ba kay Cupid?"
"Oo, at para na rin sa manokan. Kailangan natin ng mga bagong vaccines."
Nag-isip siya ng idadahilan sana dito pero wala namang mag-exist na bagay sa utak niya at gawing rason. Sandali siyang nanahimik. Marahil dahil doon ay naalarma ng kaunti si Eros.
"Ako na ang magpapaalam sa lolo mo kung nagdadalawang-isip ka." Nagpresenta ito. As if naman na tumanggi ang grandpa niya.
"No! Huwag na." Umalis siya sa tabi ni Eros na bitbit ang flower vase. "I'm pretty sure na hindi ka niyon tatanggihan."
Sinundan niya ito hanggang sa kwarto. Nang pumasok sa loob si Hyacinth ay huminto siya sa paanan ng pinto.
Nanatili siya doon na pinagmamasdan ang dalaga sa ginagawa.
"So sasamahan mo na ba ako?"
"Sure pero isama mo rin si Jasmine."
Matamlay itong ngumiti. "Wala ka bang tiwala sa'kin?" Sa halip ay sagot nito.
Inilapag lamang ni Hyacinth ang flower vase sa mesa na nasa corner ng pagitan ng kama at sofa bed. "H-hindi sa ganoon," alangan siyang tumanggi.
"Kung gusto mo isama pa natin si Jeth."
BINABASA MO ANG
SAVING THE LAST KISS BY: RAIN SEVILLA
RomanceDahil sa nabunyag na lihim ay iniwan ni Hyacinth ang kasintahan sa mismong araw ng kanilang kasal. At sa pagnanais ng mga magulang na makaiwas siya sa intriga ay pansamantala siyang tumira sa poder ng kanyang abuelo sa Laguna. Makakabangga niya si E...