MLM Chapter 5 - Red Lipstick

530 24 15
                                    

Lei's POV

Friday na ngayon at kauuwi ko lang ng bahay. Anong oras na din, maga-alas dyis emedya na! Dumiretsyo na ako sa kwarto 'ko at binuksan ang computer. P-nrint ko lang yung picture naming dalawa ni Jed my loves.

Kinuha ko ang espesyal na notebook ko sa ilalim ng desk ko. Hm! May padlock 'tong ilalim ng desk ko no! At hindi siya ganun kabilis mabubuksan kasi naka tago ang susian nito.

Kinuha ko ang maliit na susi sa hidden na lagayan sa aking desk. Lupit ng desk ko no? Haha, mala Light lang sa Death Note. Binuksan ko na ang ilalim ng desk ko gamit yung maliit na susi.

Kinuha ko ang espesyal na notebook kung saan makikita niyo sa cover ay ang mga pagmumukha lang naman ni Jed. Sobrang pinaganda ko 'to, kasi gusto ko sanang ibigay sa kaniya 'to if ever na magkita kaming dalawa sa personal. Pero hindi na natuloy kasi biglaan, biglaan ding pinakilala sa akin ni Valerie, kaya naman i decided na itago nalang to sa sarili ko.

Oo, ganito ako kalihim at hindi talaga ma-open sa mga tao hahahaha

Binuklat ko ito at tinignan isa-isa ang mga litratong nakalagay dun. Simula nung mga araw na na-love at first sight ako sa kaniya at sa mga araw na nangi-stalk ako hanggang ngayon na magkasama kami sa trabaho. Hays, hindi talaga ako makapaniwala!

I flipped the last page of the notebook at idinikit ang litrato naming dalawa ni Jed.

"Hindi talaga ako makapaniwalang magkasama kami ngayon sa iisang litrato. Eto ang first ever na litrato naming dalawa na magkasama. Hindi kasi ako makapag pa-picture sa kaniya kasi nahihiya ako. Kahit ganito ako, may kahihiyan din naman ako especially sa mga lalaking gusto ko. Hihi. Hello Jed, sana mapansin mong may gusto ako sa'yo kahit na sa iba ka nakatingin. Hanggang dito nalang muna siguro. Tulog na ako, goodnight. :)"

Isinara ko na ang notebook ko nang matapos na akong mag sulat. Everytime na may mga memorable moments kasama si Jed, nilalagay ko dito para hindi ko makalimutan.

*Tok-tok!*

"LEI!?" Narinig kong may kumakatok sa pintuan kaya naman agad 'kong ibinalik ang special notebook sa ilalim ng desk ko pati na din ang susi ay itinago ko na kaagad.

Bago pa buksan ng kung sino man ang kumakatok ay humiga na agad ako sa kama at nagpanggap na natutulog. Kasi, kailangan by the time na ganito, kailangan natutulog na ako. Ganun ka strict ang aking parents pagdating sa kalusugan ko. Haha! Kaya nga minsan tutol sila sa pagiging artista ko kasi minsan nal-late na ako umuwi.

Narinig kong bumukas ang pintuan at lumapit siya sa akin. Syempre, keri ko nang umacting. Kaya naman nagpanggap pa din akong natutulog.

"Tulog na pala ito.." naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Rinig ko ang boses ni Papa.

"Ang ganda talaga ng anak ko.." hays, kahit kailan talaga bolero 'tong si Papa. Gusto ko sanang sumagot sa sinabi niya sa akin pero naalala ko, nagtu-tulog tulugan pala ako. Hahaha.

"Hindi ka nga nag mana sa mama mo." Natatawang sabi niya "Sa akin ka kasi nagmana. Haha!" I chuckled pero hindi naman napansin kaya okay lang.

"'Wag 'kang magpapaloko sa mga lalaki ha? Kapag may lalaking nananakit sa'yo, sabihin mo lang sa'kin, bugbog sa'kin yun. 'Wag mong hayaang nasasaktan ka nila, ipaglaban mo kapag mahal mo." Aniya.

Yung totoo, Pa? Sino ba kausap mo, eh tulog ako diba... Pero kung sabagay, may point ka naman dun... hays.

Sorry Papa ah? Hindi kasi ako ganun eh.

"Oh, 'pano ba yan? Kailangan ko nang matulog. Medyo late na din. Ingat sa pupuntahan mo bukas, nak." mahina niyang sabi at hinalikan ako sa noo. Umalis na siya sa kwarto ko at isinara ang pinto.

My Leading Man (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon