"O-oh? Nandito ka na din pala Lei." Ani Jed. I smiled as I walk near them.
"Omg, bestie!" bati ni Valerie sa akin at niyakap. Tinignan niya din ako mula ulo hanggang paa. "Grabe yang suot mo ngayon, ah? Hindi ka naman ganyan manamit kapag may pinupuntahan tayo ah?" aniya. Napalunok naman ako.
"A-ah, iba kasi kapag tayo yung magkasama at sa ibang tao!" saad ko at hinampas siya sa balikat at tumawa.
"A-ahh, ahehehe." sarcasric niyang tawa. Sumiryoso na din ako at umupo na.
Bumati na din ako kay Jed na nasa harapan ko ngayon. Bumati din naman siya sa akin.
"Shall we.. eat?" aniya. Tumango naman kaming tatlo. Gutom na din ako eh hays. Binigay niya sa amin isa isa ang mga menu.
Dumating na din ang waiter, ang sosyal ng mga waiter dito. Para ka talagang nasa palasyo. Hahaha. "Can i take your orders?"
"Uh, can i have a.. Spicy Honey Garlic Chicken?" saad ko at tumango naman ang waiter. Sinabi na din nila anh kani-kanilang mga order.
"So.. habang hinihintay natin ang order.. let's talk about you two.." saad ko. Tinignan ako ni Dan at binalik din naman kaagad kela Jed ang tingin niya. "Ano ang nagustuhan niyo sa isa't isa?" tanong ko.
Binaling kaagad sa akin ni Jed ang mukha niya na kanina'y busy sa pagch-check sa phone niya. Habang si Valerie naman ay mukhang nagulat din sa tinanong ko at ngumiti. Tumingin din siya kay Jed at hinawakan ang kamay nito.
"Nagustuhan ko si Jed kasi.." tinignan niya muna si Jed bago siya sumagot "..kasi ang gwapo at ang gentleman niya. Hays, ngayon nalang ako nakaramdam ng ganitong feeling. Yung feeling na in love.." pumikit pa siya upang may daydream. I chuckled.
"That's all?" tanong ko sa kaniya. Tumango lang siya sa akin. Binalingan ko naman ng tingin si Jed, at mukhang na gets na rin naman niya kaagad kung anong ibig sabihin ng tingin ko.
"O-oh.. um, nagustuhan ko sa kaniya ay.." bakit ganito, bakit ako kinakabahan sa sasabihin niya about sa kaibigan ko. "..ang pagiging makulit at cute niya. Lagi kasi siyang nakangiti kaya ganun nalang ako kaagad na in-love sa kaniya sa unang kita namin." ngumiti siya ng matapos ang kaniyang sasabihin. Napatulala lang ako.. bakit, hindi niya ba nakita sa akin ang mga iyon? Hindi ba ako palaging nakangiti kaya hindi niya ako nagustuhan? Siguro lang kasi maganda talaga ang kaibigan ko pero ako hindi, kaya hindi nagyari na magustuhan niya ako..
"Hey, you alright Lei?" Nagising ako bigla ng sa tinanong ni Jed na ngayon ang kumakaway sa harap ko. "Bigla ka nalang natulala." He chuckled.
"What about the both of you naman?" ngumiti si Valerie after niyang magtanong sa akin at pinatong ang kaniyang baba sa kaniyang dalawang kamay na para bang nagd-daydream.
"U-um, k-kami?" tanong ko na magka bulol bulol na ako. Tinuro ko pa ang sarili ko. Ano nga ba? Kumunot ang noo ko at tinignan si Dan na ngayon ay nakatingin lang din sa akin.
"Bakit? H-hindi ba pwedeng tanungin? Sagutin niyo na, unfair naman para samin oh?" ani Valerie at nag pout.
Biglang hinawakan ni Dan ang ibabaw ng kamay ko kaya naman agad ko itong tinanggal dahil sa gulat. Tinignan ko ng masama si Dan.
"A-anong meron sa inyong dalawa?" tanong ni Valerie. Ngumiti lang si Dan sa kaniya at umakbay bigla sa akin.
Napa awang bigla ang bibig ko. Hays, oki oki, kung sa bagay inutusan ko naman siyang gawin ang mga ito. "Nagustuhan ko siya kasi.." subukan mo lang magsabi ng masama tungkol sa akin, maghihiwalay 'tong braso at balikat mo..
BINABASA MO ANG
My Leading Man (On-Going)
RomanceLinda Evelyn Igualada in short Lei is an actress who's secretly inlove with the actor, Jed Daniel Crisostomo. He became the Leading Man of Lei for their project. But Jed's inlove with Lei's bestfriend. What will going to happen now? Book Cover by: x...