Lei's POV
Ordinary day agaaaaain.
Nagd-drive na ako papunta sa studio. Himala, medyo maaga akong nagising ngayon. Feeling ko, ako mauunang artist na dadating. Nag text naman bigla si Melanie, kahit kailan talaga istobo 'to.
M: Ma'am, gising na po!
Ayan yung message niya. Wow ah!!!
A: FYI, gising na ako kanina pa and I'm on my way na sa set.
Ilang segundo ay nag reply na din agad siya.
M: Ay haluh, sori ma'am! Papunta na din po ako sa set! Kitakits! Mwa xoxo!
Ibang klase talaga 'tong babaeng 'to...
At hindi nga ako nagkakamali, ako nga talaga ang unang artistang dumating hahahaha! Kita sa mga mukha nila na nakakapagpanibago ang mga nangyayari. "Ang aga ah!" Pang aasar na bati pa sa akin ng isang staff haha. Nag peace sign lang ako sa kanila atsaka umupo na muna.
Naabutan ko silang nag-aayos ng set.. Habang walang ginagawa dito, naisipan kong tulungan na din sila sa ginagawa nila para mas mapadali.
Kaya naman lumapit ako sa kanila at nagtanong, "Meron ba akong maitutulong?" Hindi ko sila matignan ng maayos, nakakasilaw naman kasi ang araw!
"Ah, oo. Kahit anong sa tingin mo kailangan gawin." sagot naman ng isa sa kanila.
"Ma'am, dito po oh!" rinig ko namang tawag sa akin ni Melanie. Nandito na pala siya?! Hindi manlang bumati sa akin kanina! Hinahanap ko naman kung saan nang gagaiing yung boses niya.
Nasa tabi siya ngayon ng isnag hagdan habang may hawak hawak na hook. Tinignan ko siya ng "para-saan-yan?-look"
"Takot po kasi ako sa heights, Ma'am. Pasensiya na po!!" inaabot niya sa akin yung hook. "Since nagv-volunteer ka naman Ma'am, ikaw nalang po dito! Hehe!" Ngumiti pa siya sa akin.
"Inuutusan mo ba 'ko?!" I asked her in a cold tone voice.
"S-sabi ko nga po Ma'am, hindi na po! Hehe!" Mabilis siyang bumalik sa ginagawa niya. Tinignan ko siyang umakyat ng hagdan. Nanginginig pa yung mga binti niya habang umaakyat. "Ma'am.." muli niyang tawag sa akin. Tinignan ko lang siya habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"Kung hindi po kayo ang gagawa nito. Pwede po bang kahit hawakan mo nalang po yung hagdan?" ngumiti siya na nagmamakaawa. Nag puppy eyes pa siya.
Ilang segundo din ako tumingin sa kaniya habang nag iisip. Pero, hayaan na. Gusto ko din naman makatulong kahit pa-paano. Tumayo na ako. "Fine, 'wag ka na magmakaawa hindi bagay sayo mag puppy eyes." sabi ko habang naglalakad papalapit sa kaniya.
Hinakawan ko na ng mabuti yung stainless na hagdan. Na saan naman ba kasi yung dapat na gagawa ne 'to? Bakit yung P.A ko pa yung gumagawa?! Trabaho niya din ba 'to?! Daming trabaho ah.
"Thank youuu, Ma'am~" nagpatuloy na siyang umakyat hanggang sa pinaka tuktok ng hagdan para lang maabot yung dapat sasabitan ng hook na yun para siguro sa mga props sa studio 'to.
Tinitignan ko lang siya habang pilit niyang inaabot yung kawitan. "Huhuhu!" umiiyak na siya doon. Bakit ba kasi ginagawa niya 'to? Eh takot pala siya sa heights?!
Habang umaalalay sa hagdan, biglang nag vibrate yung phone ko. Kinuha ko yun gamit yung kanan na kamay ko. Tumatawag si Jed!!
Oh my!!
Wala nang dala-dalawang isip pa, sinagot ko na agad yung tawag niya
"Yes, hello?" Tanong kong nakangiti.
BINABASA MO ANG
My Leading Man (On-Going)
RomanceLinda Evelyn Igualada in short Lei is an actress who's secretly inlove with the actor, Jed Daniel Crisostomo. He became the Leading Man of Lei for their project. But Jed's inlove with Lei's bestfriend. What will going to happen now? Book Cover by: x...