Chapter 10

21.3K 245 1
                                    

Kaethe's pov.

Sinamahan ako ni yves sa center na pagchecheck up an ko. Sobrang haba ng pila at init sa loob ng center iisa lang kasi ang OB Gyne, kaya matagal ang usad ng pila.. Umupo na kami sa may duluhan. Pinagtitinginan si yves ng mga pasyente. Matangkad na medyo malaki ang katawan ni yves the shape of his face was so firm, his eyes are mesmerising and his wearing his casual outfit that make him more charismatic. Sa itsura palang nito ay halata nang may dugong maharlika.

"Da heck. It's so hot here. Ang hot ko na nga mas pinahot pa. Tsk. Bakit dito ka nagpapacheck up? Wala bang pera asawa mo? Dapat may private OB ka para hindi ka naghihirapan" habang pinupunasan nya ang rumaragasang pawis na kanina pa tulo ng tulo. Infairness amoy perfume yung pawis nya at hindi nangangamoy putok.

"Ito lang kasi kaya ko, hindi na ako nanghingi kay Forde. Busy kasi sya kanina kaya nalimutan ko" pagkukunwari ko.

"Tara na nga lipat na tayo sa private OB, may kilala ako. Ang init dito tapos nangangamoy pa, parang hindi safe"
Pag aaya nya sakin.

"Ayoko nga. Wala akong dalang pera"

"Edi ako magbabayad! Ako na! Wag ka nang mag inarte"

"Pucha naman ayoko nga, ayokong magkautang no!" Pagtatanggi ko.

"I insist. 'Wag ka nang mag inarte, regalo ko na yang sa magiging inaanak ko" hindi na ako nakapagsalita pa, libre na 'to kaya pumayag na ako. Babayaran ko naman sya kapag nakaluwag na ako. Umalis na kami at dumiretso sa isamg private hospital.

"Sir. What can I do for you?" Pagpapacute nung babae sa information area.

"Who's your available OB?"

"I'll just check sir" tinignan nya ang monitor mg computer. "Dra. Valdez is available right now sir. Should I tell her that you want an appointment?"

"Tell her Mr. Yves Bartolome wanted an appointment right now. I'm going to wait here" sabay wink nito sakin. Natawa nalang ako sa mga sinabi niya.

"Ok sir... What else sir?" Pagpapabebe ng nurse.

"Just shut up" maawtoridad na sinabi ito ni yves sa nurse para tumahimik 'to.

"Hey. You ok?" I nodded.

"Yeah. Hindi ka ba kilala nung nurse na yun?"

"Ayokong malaman nila na ako may ari nito no. Ayoko na sa tuwing pupunta ako dito magpapakitang tao pa sila. I wanted to spy them. Para makita ko kung pano nila tratuhin ang bawat pasyente." Pagsasalaysay niya.

"Wow. Ang tino naman pala" pang aasar ko.

"Syempre" and he winked again. Yuck.

****

"The baby is fine iha. Mr. Bartolome alagaan nyo mabuti si misis, kailangan nya ng proper diet and dapat maraming calcium, ang payat ni ma'am kaethe baka maapektuhan ang baby." Nagulat ako sa sinabi nito. Dra. Valdez is currently checking me up.

"Ay mali po kayo, hindi kami mag asawa, may asawa po ako pero hindi siya. magkaibigan lang kami" matigas kong pagtanggi. Pero tumawa lamang 'tong mokong na katabi ko.

"Ganun ba 'wag ka nang mahiya. By the way asawa mo man o hindi kailangan mo pa ring alagaan ang sarili mo. After 1 or 2 months pwede na natin malaman gender ni baby. Kailangan mo lang itake yung ibibigay ko sayong vitamins para sayo and sa baby mo. Saglit lang" umalis na si dra.

Tinignan ko ng masama yung dugyot na nasa tabi ko habang sya tawa ng tawa.

Pak! Pagpalo ko sa mga braso nito. "Aray! Pucha para san yun?" Pasigaw na tanong nito.

"Ang saya mo pa ha. Asawa pala ha, never mangyayari yon over my sexy dead body!" Pagtataray ko.

"Parang gusto ko masuka (Pak!) -aray!"

"Tumahimik ka nalang dyan! Kung ayaw mong mabali 'yang backbone mo!" Pinanlakihan ko sya ng mata.

****

Pagkatapos ng check up ko ay nagpahatid na ako, baka kasi umuwi agad si Forde at malintikan nanaman ako.

"Tawag ka nalang kapag kailangan mo ng pogi" mahangin na pagyayabang nito, bumaba na ako ng sasakyan nya.

"Ulul! Sapat na kagwapuhan ng asawa ko kaya wag ako" pagbibiro ko.

"Oo na! But seriously , just call me if you need help" biglang nagseryoso ang tono nya dahilan para maawkward ako.

"Oo sige babush! Layas na U"

"Bye." Sabay humarurot ang kanyang sasakyan palayo.

***

Kakatapos lang kumain ni Forde ng dinner. Tapos na ako sa mga gawain dito. Nakapagbihis na din ako ng pantulog at nagaayos ng higaan .

Message Received*

From: unknown number.

"Hi! Is this kaethe?"

To: uknown number

"Who's this?"

Uknown number calling.....

"Hello?" I ask.

"Kaethe?!" A girl voice shouted from the other line.

"Ye-yes, who's this?" I asked

To be continued...

A Wife's One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon