Chapter 28

13.8K 162 1
                                    

Forde's pov.

"Hi honey." I saw Kaethe preparing food on my table.

"So how's the meeting?" She asked and kiss me.

"It's fine, I just have to tell you something, come here." Umupo ako at ipinatong siya sa hita ko. Nakapalupot ang mga kamay nito sa leeg ko.

"Kailangan ko pumunta ng Baguio. May itatayo kaming bagong private Airline and as the CEO kailangan ko mag inspect and icheck ang site." Lungkot ang tanging gumuhit sa mga mata nito.

"Hindi ba pwedeng iba nalang pumunta dun? Iiwan mo ko eh." Mangiyak ngiyak niyang sabi.

"No honey. Ofcourse I'm not going to leave you. Ayoko talagang iwan ang baby girl ko with my jr. But I have to. Para sa inyo 'tong ginagawa ko." Natuloy na ang pagpatak ng luha niya.

"Promise I will call you every single hour. Tatawagan ko si manang para may kasama ka ok?" Maswerte ako sa asawa ko dahil naiintindihan niya ang mga ganitong sitwasyon.

"Eh kailan ka aalis? Gaano ka katagal dun?" Tanong niya habang nagkukusot ng mata dahil sa pagiyak.

"Maybe next month. I was going to check the site kung saan namin itatayo yung Airlines. Mga three days lang naman ako don." Paliwanag ko.

"Okaaay..." Sabi niya. Pinunasan ko naman ang mga luha nito.

"Stop crying baby. Let's eat."

****

One week later.

Kaethe's pov.

"Mall tayo?" Pangungulit ko kay Forde habang nakatutok ito sa laptop niya.

"Hmm honey busy ako ngayong araw, may kailangan akong tapusin eh. After this project magmamall tayo." It's sunday kaya wala siyang pasok, pero sobrang busy niya naman ngayong araw kaya naman tampo ang nararamdaman ko. Kahit na sa bahay na ay trabaho pa din ang inaatupag.

"Please..." Pagmamakaawa ko pa.

"Wait lang ha? May ice cream d'yan sa fridge gusto mo kunin ko?" Tanong niya.

"Wag na. Di naman ako nagugutom." Di na siya umimik pa.

Umupo nalang ako sa malayo sa kanya, nakakapagtampo talaga. Gusto ko lang naman makalabas ng bahay dahil lagi nalang akong nakakulong dito. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko samantalang noon ay sanay akong wala siyang oras na inilalaan sa akin. Napasobra naman ata ang pagiging emosyonal ko.

"Baby naman, wag mo naman pahirapan si mommy oh. Kakain nalang tayo ng ice cream." Kumuha agad ako ng ice cream sa freezer at kinain 'to ng mag isa.

Maya maya'y bigla nalang pumatak ang mga luha ko dahil sa hindi ako napagbigyan sa gusto ko. Nakarinig ako ng kaluskos papunta sa kitchen kung saan ako nagsesenti mag - isa with my ice cream.

Forde's pov.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman naisipan kong magpahinga muna mula sa ginagawa ko.

I went downstairs to drink some milk when I saw Kaethe eating her ice cream. Bigla akong tinalikuran nito. Nagtaka naman ako kung bakit kaya habang kumukuha ako ng inumin ay inoobserbahan ko ito.

"Kaethe? Gusto mo padeliver nalang tayo para sa dinner natin?" Tanong ko. Hindi man lang ito nag aksayang sagutin ang tanong ko.

Narinig ko na lamang itong humihikbi mula sa kinauupuan kaya minabuti ko nalang na lumapit.

"Kaethe? Are you ok?" As I hold her shoulder. She faced me with her teary eye and wet cheeks.

"Why are you crying? What happened." I panicked for a second.

"Ikaw kasi eh.. Parang mag mamall lang naman ayaw mo pa. Mas pinipili mo pa yang trabaho mo kaysa sakin..." Pagtatampo nito.

"Sorry. I did'nt meant you to feel that way. Sorry honey. Don't cry." I wiped her tears.

"Come on, change your clothes." Nabigla ang mata nito. Biglang tumila ang mga luha niyang kanina ay panay ang ragasa.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya.

"I thought you wanted to go to mall?"

"Ay! UUnga pala no? Hihi sige wait lang bihis lang ako. I love youuu!!" Nagmadali itong umakyat. Kahit kailan napaka moody talaga niya, ginamitan pa ako ng drama.

****

Kaethe's pov.

"Thank you honey!" Lambing ko habang nagdadrive ito.

"Welcome. Talagang ginamitan mo ko ng Kdrama style mo huh." Sabi niya.

"Hehehe peace!" Sabi ko habang nakapeace sign.

"Pasalamat ka effective mahal kita eh." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito habang nakafocus naman ang mga mata nito sa daanan.

"May check up ako bukas ha, it's already 4 months." Paalala ko sa kanya.

"Noted Mrs. Ace!" He replied.

"Gusto ko lang naman lubusin yung oras natin, lalo na ngayon aalis ka na." I just wanted to spend the rest of our time with each other.

"Ah. By the way, na-move yung flight ko. Madedelay dahil sa materyales na late ang delivery." He informed me.

"Yes!" Bulong ko.

"What?" Sana lang di niya marinig yung sinabi ko.

"Wala , wala hehe." Alibi ko.

"We're here." After a few conversations we arrived.

"So what do you want to eat?" Bungad na tanong niya. Hindi naman ako makahindi dahil usapang pagkain ito.

"Kfc please!"

"As you wish."

To be continued...

A Wife's One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon