Chapter 18

23.6K 262 14
                                    

Forde's pov.

"Kaethe?" Naalimpungatan ako ng saglit at natakot ako nang wala si kaethe sa tabi ko. It's around 3 in the morning kaya nataranta ako. Madilim pa ang paligid. Agad ko namang binuksan ang lampshade.

"Kaethe? Kaethe!" Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Tumakbo ako pababa para hanapin sya. Nakarinig ako ng kaluskos mula sa kitchen kaya tinungo ko agad ito.

"What are you doing Kaethe?!" Medyo napataas ang tono ng boses ko dahilan para magambala siya sa ginagawa niya.

"F-Forde? S-sorry kung 'di pa ako nakakapagluto, late kasi ako nagising. H-hayaan mo matatapos na agad ako dito wag ka na magalit" Ramdam ko ang takot sa pananalita nito. Nagtutubig ang gilid ng mga mata ko na pilit kong pinipigilan.

"No Kaethe. Hindi mo kailangan gawin 'to ok? Gusto ko magpahinga ka nalang . I'm sorry if I'd force you to do this in the past. Come here." Niyakap ko siya ng mariin. Hindi ko alam na ganito kalalim ang mga sugat na ipinadama ko sa kanya noon. Gusto kong baguhin ang pagtingin niya sa akin. Walang anu mang sinabi si Kaethe.

"Let's go upstairs you need to take a rest. I'll do the cooking everyday ok? I'm sorry Kaethe." Inaalalayan ko ang bawat paghakbang niya. Gagawin ko ang lahat, mapatawad lang ako ng mahal ko.

****

Pagkagising na pagkagising ko ay tinawagan ko na si Secretary Kim para iinform siyang maeextend ang paglileave ko kaya ipadadala niya nalang sa akin ang mga papeles na kailangan kong tapusin. Pinaglutuan ko na agad si Kaethe ng umagahan.

Ilang linggo na ganito ang routine namin ni Kaethe. Madalas ko pa rin siyang nahuhuli na nakatingin sa kawalan at madalas 'rin akong nagigising na wala siya sa tabi ko, mabuti na lamang at hindi niya na inulit ang pagluluto mag-isa kundi palagi siyang nasa balkonahe at taimtim na umiiyak. Hanggang ngayon ay nagdurusa pa din siya sa pagkawala ng anak namin. Hinihintay ko na lamang siyang matapos sa pag iyak hanggang sa bumalik na ulit ito sa kama para matulog.

Kahit ako ay nangungulila din sa pagkawala ng anak namin. Kundi dahil sakin ay hindi sana ito mawawala sa piling naming mag - asawa kaya nararamdaman ko ang kalagayan ni Kaethe.

Ilang araw na 'rin kaming nagpapatuloy sa therapy. Sa bawat linggo ay may improvement si Kaethe kaya labis kong ikinatutuwa iyon. Unti- unti na siyang bumabalik sa dati pero para bang nawalan na ito ng pagmamahal sa akin. Malamig pa din ang pakikitungo nito.

"GoodMorning baby!" Isang matamis na ngiti at halik sa noo ang bati ko sa kanya.

"Morning" malamig na tono nito at tumayo agad mula sa pagkakahiga para ayusin ang kama.

"Mall tayo? You want?" Excited kong tanong sa kanya.

"No, kung gusto mo ikaw nalang. Ayokong umalis dito sa bahay" sagot niya habang inaayos ang mga unan.

Ilang linggo kaming ganito. Ito na ang karma ko na kailangan kong harapin. Pero kahit kailan hindi ako napagod at hindi ko naisipang sukuan ang pinakamamahal ko tulad ng hindi niya pagsuko sa akin noon. naiintindihan ko kung bakit siya nagkakaganito. Kahit na masakit ito sa akin, ginagawa ko pa din ang lahat makabalik lang kami sa dati.

Bumaba na kami para mag almusal. She insisted that she will be the one who will cook for us.

"Ako na dyan Kaethe" gusto ko sana siyang tulungan habang nagluluto pero kanina pa ako tinatanggihan nito.

"No, kaya ko naman 'to. Wag mo nga akong pakielaman!" Nag iba na ang tono ng boses nito.

"I just wanted to help you. Let me do this for you Kaethe" pakiusap ko.

"I said NO! Bakit ba ang kulit mo! Noon naman iniiwan mo sa akin 'tong gawain na to ha! Kung tingin mo na makakalimutan ko yung pinaggagawa mo samin pwes hinde! Kasi masakit pa din sakin yung mga nangyari! Sariwang sariwa pa sa ala-ala ko na para bang kahapon lang nangyari!" Bulyaw nito sa akin. I kneeled. Tears are coming out of me. Kinuskos ko ang dalawa kong kamay at nagmakaawa sa kanya.

"I'm sorry Kaethe. What do you want me to do? Gagawin ko lahat para mapatawad mo lang ako Kaethe. I-I'll do everything for us to get back like what we we're before when we're still happy" niyakap ko ang mga binti nito habang humahagulgol pa 'rin ako sa pag - iyak.

"Stand up." Maikling tugon niya. Agad ko namang siyang sinunod.

"I'm really sorry. Naiintindihan kita Kaethe, sige ikaw na ang magluluto. I promise hindi na kita guguluhin. Gawin mo lahat ng gusto mong gawin, hinding hindi kita gagambalain. Kaethe mahal kita. I deserve this. Sige sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin sa akin, suntukin mo ko, sapakin mo ko, lahat ng iyon kung makakapagpalubag ng loob mo gawin mo sa akin. Tatanggapin ko lahat ng iyon tulad ng pag tanggap mo sa akin noon." Nagpapatuloy pa 'rin ako sa pag iyak.

"I'm leaving."

To be continued...

A Wife's One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon